Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Budget Deficit Pinakamalaki sa Ilalim ng Administrasyong Marcos

Marami na naman ang umaalma sa mga nangyayaring sobrang hirap na ang mga tao sa Pilipinas at lalo pa nag-init ang kanilang ulo nang malamang ang budget deficit ng bansa ay dumoble pa kesa noong nakaraang taon.

Iniisip nilang sobrang gastos ng kasalukuyang administrasyon at napakababa naman ang ipinapasok na salapi sa kaban.

Kung mayroong mga kritiko ay mayroon din namang mga ekonomista na nagtatanggol sa paraan ng pag-handle ni Pangulong Marcos sa kasalukuyang estado ng bansa.

Maayos ang pamamalakad ni PBBM pero dahil sa sunud-sunod na pagtaas ng bilihin at isama pa ang natural disaster tulad ng bagyo at lindol ay bumabagal ang effort na muling tumaas ang antas ng pamumuhay sa bansa. Ang muling pagbalik sa normal ng kabuhayan at lalo na sa sektor ng agrikultura ang tinatarget ng pamahalaang Marcos upang maging self sustaining ang Pilipinas para mabawasan ang pag-angkat ng ilang produkto sa ibang bansa.  Ang bawat departamento ng pamahalaan ay tinutukan para maiayos ang pamamalakad upang muling umangat ang antas ng pamumuhay sa Pilipinas.