Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Bringhe

Ang Bringhe ay isang lutuing Kapampangan. Hindi kumpleto ang isang kasiyahan o party kapag wala nito. Ito ay isang klase ng paella na kahalintulad ng Valenciana Paella ng mga Espanyol. Ang pagkakaiba nito ay gumagamit ang Bringhe ng makukulay na spices tulad ng annatto, turmeric, safflower o tinta ng pusit. Samantalang ang gamit na bigas ay malagkit, na maaring haluan ng normal na bigas.
Sangkap:
  • 500 g boneless chicken thigh meat, hiwain pakuwadrado
  • 1 pc chorizo, hiwain
  • ½ red bell pepper, hiwaing pahaba
  • ½ tasang frozen green peas
  • ¼ tasang pasas (raisins)
  • 1 tasang bigas na malagkit (glutinous rice), hugasang mabuti
  • 1 tasang jasmine rice, hugasang mabuti
  • 2 tasang coconut milk
  • 2 tasang chicken broth
  • 2 kutsaritang turmeric powder
  • 1 onion, tadtarin
  • 4 pirasong garlic, pitpitin at tadtarin
  • Patis
  • Paminta
  • 4 na nilagang itlog, hiwaing makaapat (quartered), pang dekorasyon
  • mantika
Paraan:

1. Sa katamtamang init ng apoy, maglagay ng mantika, painitin.
2. Ilagay ang chorizo at lutuin sa loob ng 2 minuto. Hanguin at itabi.
3. Lagyan ng asin at paminta ang chicken at lutuin sa loob ng 3 minuto sa bawat side at alisin mula sa pan.
4. Magdagdag ng mantika kung kinakailangan at igisa ang bawang at sibuyas.
5. Ilagay ang malagkit at jasmine rice at ang turmeric. Lutuin sa katamtamang init ng apoy at haluin maigi.
6. Ibuhos ang broth at coconut milk, ilagay sa ibabaw ang chorizo at chicken, bell pepper, green peas at pasas. Lagyan ng patis at paminta at takpan ang pan. Lutuin sa 15 hanggang 20 minuto o hanggang ang kanin ay maluto at wala nang tubig.
7. Hanguin sa init ang pan at ilagay sa ibabawa ang nilagang itlog. Ihain.

Para sa iba pang recipes, bisitahin ang www.angsarap.net