Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

BINI at SB19, trending worldwide para sa “Kabataang Pinoy”

Nagsanib-pwersa ang dalawa sa pinakabigating P-pop groups na BINI at SB19 para bigyan ng bagong tunog ang “Kabataang Pinoy,” ang theme song para sa “PBB Kumunity Season 10” Teen Edition.

Ito ang unang beses na nagsama ang dalawang grupo sa isang kanta kaya naman nag-trending worldwide sa Twitter ang “KabataangPinoyMV OutNow,” habang nag-trending sa Pilipinas ang #SBINI19_KabataangPinoyMV.

Pinuri ng fans ang bagong bersyon ng kanta, pati na rin ang music video nito na ipinalabas noong Lunes (Marso 21), kung saan ipinakita ang rehearsals ng dalawang grupo para sa kanilang live “PBB” opening night performance.

Wala pang isang linggo ang nakalipas mula nang ipalabas ang lyric at music videos ng kanta pero mayroon na itong higit sa 238,600 na pinagsamang views sa YouTube at pasok din ito sa New Music Friday playlist ng Spotify Philippines.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *