Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Binagoongang Ampalaya sa Gata

Sangkap
  • 2 pirasong katamtamang laki ng ampalaya, hiwain
  • 500g ng liempo (pork belly) , hiwaing pakuwadrado
  • 3 kutsarang bagoong alamang (fermented shrimps)
  • 800 ml (gata) coconut milk
  • 1 puting sibuyas, hiwaing manipis
  • 6 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliit
  • 1/2 kutsaritang cayenne pepper
  • paminta
  • 1/2 tasang suka vinegar
  • asin
  • mantika
Paraan:
  1. Hilamusan ng maraming asin ang hiniwang ampalaya at ibabad sa 1/2 tasang suka at 1 tasang tubig sa loob ng 30 minuto. Hanguin sa pinagbabaran at hugasang mabuti sa gripo at itabi.
  2. Sa kawali, maglagay ng mantika at ilagay ang baboy at haluin hanggang magkulay brown.
  3. Idagdag ang bawang at sibuyas at igisa hanggang maluto ang sibuyas.
  4. Ilagay ang bagoong at haluin hanggang sa maging maamoy ang niluluto.
  5. Ilagay ang 500ml ng gata at pakuluin, hayaang kumulo sa loob ng 20 minuto o hanggang ang baboy ay lumambot.
  6. Itabi ang piraso ng baboy sa gilid ng kawali at ilagay ang ampalaya sa gitna ng kawali. Huwag haluin. Takpan ang kawali at pakuluin sa katamtamang init ng apoy sa loob ng 10 minuto.
  7. Sa ganitong estado, ang gata ay malangis na at malapot, ilagay ang natitirang gata at cayenee at pakuluin pa sa loob ng 5 minuto.
  8. Lagyan ng paminta at saka ihain habang mainit.

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net