Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Travel

Best Bubble Tea Shops

Hindi na bago sa bansang Japan ang bubble tea pero ine-enjoy nito ang popularidad lalo na sa mga kabataan na makikitang nasa mahabang pila para lamang makabili nito.
Sa paglipas ng panahon, ang simpleng tea na iniinom ng mga matatanda ay nakahiligan na rin ng mga kabataan dahil sa pagpasa-pasa ng pagbabago ng lasa o infusion na tinatawag. Ang flavored tea na may halong gatas at asukal na may black tapioca bilang main ingredient nito sa ilalim ay bumulusok ang popularity dahil kakaiba at nakaka-engganyo ang lasa maging ang “packaging” na may chunky straw at vacuum sealed cups. Ang pagiging artistic at pagbuo ng kakaibang anyo ng bubble tea ang siyang nagbigay ng pagkakataon para magkaroon ng “tapioca boom” sa bansa. Hindi ka magsasawa dahil palaging mayroong bagong bubble tea sa bansang Japan. Sa umpisa, ang kulay ng tapioca ay clear o malinaw, pero nang lumaon ay naging dark na ang kulay nito. Kaya naman ipakikilala namin sa inyo ang well-known bubble tea shops sa Japan.
The Alley Lujiaoxiang

Ito ay isang Taiwanese stand na itinayo internationally at naging kilala dahil sa deer logo. Ang kanilang tapioca na kilala rin sa tawag na “deerioca” ay freshly handcrafted kaya masisiyahan ka sa natatanging chewy texture at amoy nito. Gumagamit din sila ng pinakamagandang kalidad ng asukal upang makagawa ng kanilang sariling sugar cane syrup na may natural at pinong lasa.

Ang isa sa kanilang tanyag na inumin ay ang “Bonsai” Garden Milk Tea. Isa itong assam milk tea na may chocolate biscuit crumbles sa ibabaw at mint leaf para magmukhang bonsai garden.


Photo credit from jeonhera of Instagram

Recommended Drinks: The Alley Trio Milk Tea, Royal No. 9 Tapioca Milk Tea, Brown Sugar Tapioca Latte at Aurora Drink Series
Official Website: http://www.the-alley.jp/

KOI Thé

Ito ay isang tea shop na dalubhasa sa mga inumin na gawa sa mga pinakamahusay na kalidad ng mga sariwang dahon ng tsaa mula sa Taiwan. Kilala sila na gumagamit ng natural na klase ng golden pearls na kung saan dapat maconsume sa loob ng dalawang oras para mapanatili ang freshness. Bilang karagdagan sa classic bubble teas, marami pang mga pagpipilian tulad ng Pudding Milk Tea, Ice Cream Milk Tea, Mango Yakult Juice, Matcha Macchiato, at iba pa.


Photo credit from ziamcruss by Instagram

Recommended drink: Golden Bubble Milk Tea
Official Website: https://koithe.jp/

Gong Cha

Ito ay isang sikat na Taiwanese drink franchise sa buong mundo. Matagumpay nilang napalawak ang shop na ito na may mahigit 1,300 locations sa iba’t ibang lugar sa buong mundo. Ang isang advantage ng Gong Cha ay customizable ang drink. Halimbawa, maaari kang mamili ng tea base (milk tea, black tea at iba pa), mamili ng toppings maliban sa tapioca, adjust ng tamis at dami ng yelo. Bilang karagdagan sa standard flavored teas, mayroon din silang seasonal drinks tulad ng Hojicha Milk Tea at Gyokuro Milk Tea. Ngunit, ang seasonal drinks ay may limitadong panahon lamang.


Photo credit from gongcha_japan by Instagram

Recommended Drinks: Black Milk Tea, Milk Foam Jasmine Green Tea, Mango Alisan Tea Ade at Oolong Milk Tea
Official Website: https://www.gongcha.co.jp/

Chatime

Itinatag noong 2006 sa Taiwan, ang Chatime ay isa sa pinakamalaking tea franchises sa buong mundo na may mahigit 1,000 stores. Ipinagmamalaki nila ang kanilang high-quality tea drinks na nakilala bilang “Brand of the Year” award noong 2015 sa London. Maliban sa tapioca, may iba’t iba pa silang toppings tulad ng sweet red beans, coconut jelly, grass jelly at QQ (pinagsamang tapioca at coconut jelly).

Recommended Drink: Chatime Milk Tea
Official Website: https://chatime.jp/

Saisabo

Dito mo matatagpuan kung ikaw ay naghahanap ng kakaibang bubble tea experience. Kakaibang combination ang kanilang sikat na Rock Salt Cheese Tea. Kung hindi ka naman interesado rito, may iba pa silang unique tea tulad ng Fluffy Milk Tea na may ice cream, mango, cotton candy at tapioca. At para sa unique experience, ibubuhos mo ang tsaa sa ibabaw ng cotton candy para lumabas ang sweets sa loob.


Photo credit from saisabo.freshtea by Instagram

Recommended Drink: Rock Salt Cheese Tea
Official Website: http://saisabo.com/

CoCo Fresh Tea & Juice

Itinayo sa Taipei City noong late 90s, ang CoCo Fresh Tea & Juice ay ang pinaka malaking bubble tea stores dahil sa kanilang mahigit 2,000 stores sa buong mundo. Ang kanilang unang store sa Japan ay itinayo noong Pebrero 2017 sa Shibuya, at nasundan sa Harujuku. Kasalukuyan ay may 5 stores na sila sa Tokyo. Maaari mo rin i-customize ang inyong inumin sa pagpili kung gaano katamis at karaming yelo.


Photo credit from _ss214_ by Instagram