Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Benepisyong hiling ng mga weatherman, ibibigay na

Sa kilos-protesta ng mga empleyado ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na isinagawa noong Martes, agad na inasikaso ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagbibigay ng mga benepisyo na matagal nang naudlot sa mga manggagawa. Ayon sa pamunuan ng PAGASA, pinakamatinding naapektuhan ng delay ang mga low-ranking employees ngunit sinigurado ng buong ahensya na patuloy pa rin itong magbibigay ng serbisyong sa publiko. (Philippine Star)