Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Beef Tagine

Sangkap:
  • 1 kg beef ribs
  • 2 tbsp olive oil
  • 2 tasang dried apricots
  • 1 sibuyas na pula, malaki at tinadtad
  • 6 piraso ng bawang, pitpitin at hiwaing maliit
  • 2 kutsaritang ginger paste
  • 2 kutsaritang cumin
  • 2 kutsaritang cinnamon
  • 2 kutsaritang turmeric
  • 2 kutsaritang coriander
  • 2 kutsaritang tinadtad na mint leaves
  • 2 kutsaritang pamintang pulbos
  • 4 kutsarang honey
  • 300ml orange juice
  • 600ml beef stock
  • 3 kutsarang harina
  • asin
Paraan:
  1. Sa isang lalagyan, i-marinada ang beef sa ginger, cumin, cinnamon, turmeric, coriander, mint, black pepper, salt (ayon sa inyong panlasa) at honey sa loob ng 24 hrs.
  2. Sa kawali, maglagay ng mantika at igisa ang bawang at sibuyas at saka ilagay ang beef.
  3. Kapag nagkulay brown na ang beef, hanguin ito mula sa kawali at itabi.
  4. Sa sauce pan ilagay ang orange juice, beef stock at harina, haluing maigi hanggang matanggal ang namumuong harina, initin sa katamtamang init ng apoy hanggang sa ito ay lumapot.
  5. Ilagay ang beef at ang beef stock sa baking casserole ( pwedeng dutch oven), takpan at i-bake sa loob ng 2 oras sa oven sa init na 160C.
  6. Idagadag ang apricot at paghaluin at i-bake ng karagdagang 30 minuto.
  7. Tanggalin mula sa oven at ihain kasama ang couscous o kanin.

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *