Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Beef Salpicao

Ang beef salpicao ay isang klase ng lutuin na nakuha sa Espanya na ang sangkap ay beef na inihaw at niluto sa dalawang popular na paraan: ang isa ay puno ng paminta at ang isa naman ay puno ng bawang.

Sangkap:
  • 800 g beef sirloin or tenderloin, hiwaing manipis at pakuwadrado
  • 6 pirasong bawang garlic, pitpitin at hiwaing maliit
  • ¼ tasang Worcestershire Sauce
  • 2 kutsarang butter
  • 4 kutsarang olive oil
  • paminta
  • asin
  • pinirito at pinalutong na bawang, pang-dekorasyon
Paraan:
  1. Hilamusan ang beef cubes ng asin, paminta at bawang at itabi sa loob ng 5 minuto.
  2. Lagyan ng olive oil ang beef at haluin mabuti.
  3. Ihanda ang pan at ilagay sa mataas na temperatura ng apoy. Kapag ang pan ay mainit na, isangkutsa ang beef hanggang sa ang lahat ng parte nito ay magkulay brown. Iwasang ilagay lahat ng beef sa isang sangkutsahan. Maaaring hatiin sa dalawang salang.
  4. Ilagay ang butter at Worcestershire Sauce at haluing mabuti para mabalutan ng lahat ng sangkap ang piraso ng beef. Ilagay sa sizzling plate o serving plate at pangibabawan ng maraming bawang. Ihain na may kasamang mainit na kanin.

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net