Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Cover Focus

Bea Alonzo: Ang “Reyna”ng Makabagong Henerasyon

Bea Alonzo

Medyo matagal na rin sa showbiz ang magandang si Bea Alonzo at marami na siyang napatunayan sa larangan na kanyang pinasok. Sa murang edad na 15 ay nasabak na agad siya sa mga TV drama na ating napapanood sa telebisyon at dito nahasa siya ng husto sa pag-arte. Naka-trabaho na niya ang mga mahuhusay na artista ng industriya at dito siya humugot ng tapang at tibay ng loob upang mapagbuti ang kanyang talento.

Ang mestisahing hitsura ni Bea ay isa sa naging fator upang mas lalo siyang mapansin sa mundong kanyang ginagawalan. Si Bea ay hindi purong Pilipino, siya ay kalahating Pilipino at kalahating British at sa pagkakataon ito ay mas nangibabaw ang kanyang pagiging hitsurang Briton.

Sa ilang taong pananatili ni Bea sa show business at pagiging isang loyal talent ng ABS CBN ay hindi siya pinabayaan ng kanyang mother studio. Inalagaan nila si Bea na parang tunay nilang anak, mula sa mga teeny bopper roles ay hinubog nila ito ng dahan-dahan papunta sa mas matured audience roles.

Ang bago niya teleseryeng “Sana Bukas Pa ang Kahapon” ay binigyan siya ng Dos ng mas challenging role sa pangganap ng dalawang katauhan. Si Rose at si Emmanuelle. Sa presscon ng kanyang TV series ay binasagan na siya ng ABS CBN ng bagong titulo ang “Movie Queen of the New Generation.”

Matagal-tagal na ring walang binabansagang “movie queen,” ngunit ngayon nga ay ibinalik ito dahil na rin sa tagumpay sa box-office ng mga pelikulang tinatampukan ni Bea.

Pero aminado ang aktres na overwhelmed siya sa bago niyang titulo. Sabi niya, “Ipinapaliwanag ko nga sa kanila kung bakit ako natensiyon… at deserving ba ako? Kasi, ang takot ko, kasi baka magmukha akong feeling. Ang takot ko, baka magmukhang pinapangalanan ko ang sarili ko ng ganoon.”

Klinaro naman nila na marami nga kaming movie queens. Pero siyempre, nakaka-humble na pinapangalanan nila ako na isa sa mga movie queen. Ako siguro yung una na napangalanan, yung ganyan., nakaka-humble din yun.” 

Tapos ipinaliwanag nila sa akin, ‘Eto yung mga movies mo noon, ‘di ba, parang deserving ka na.’ Parang ganoon.”

Saka ang pangako kasi ng show, to give you a movie experience. Kaya isa rin ‘yan siguro sa bentahe namin.’” Isang bagong Bea sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon bagong bihis at mas mapangahas ang karakter na gagampanan ni Bea. 

Sa mga mapangahas na eksena ni Bea sa telebisyon “Siguro naman, next level na tayo. Hindi na tayo puwedeng magpa-cute, ‘di ba?”

Siyempre, kailangan mo rin to mature. Pero meron ka pa ring boundaries na hindi ka puwedeng mag-cross.”

Sinasabing malaki ang pressure na nakaatang kay Bea dahil sila ang pumalit sa natapos na series na The Legal Wife na sa sobrang taas ng ratings ay hiniling ng mga manonood na i-extend pa ito. Pag-amin ng aktres, “May pressure, oo naman.

Pero yun, ganoon naman sa industrya natin. Kung para sa ‘yo, para sa ‘yo. “So, kung eto ba yung project na magpapa-next level sa amin, e, di maganda.“Pero kung hindi, e, di try again. Hindi diyan natatapos ang buhay.

Bukod sa pressure niya sa bagong teleserye ay nape-pressure din siya sa katatanong ng marami kung kelan sila magpapakasal ng kanyang nobyong si Zanjoe Marudo. Maganda ang career ni Bea ngayon, gayundin ang relasyon nila ng boyfriend niya na si Zanjoe. “Oo, pero matagal pa yun. Marami pa kaming gustong gawin sa buhay namin.

Pero masayang-masaya ako kasi dahil lahat ng hiniling ko, lahat ng mga ipinagdasal ko noon, nasa akin na ngayon. 

Parang I’m on the right track,” sagot ni Bea. “Ipinagdasal ko na merong dumating na lalaki na magmamahal sa akin nang totoo. Heto at dumating si Zanjoe at totoo naman ang pagmamahal niya sa akin. Three years na kami.”

Sa nangyayari sa career at lovelife ni Bea sa ngayon ay wala na siguro siyang mahihiling pa. Goodluck sa bagong Reyna!