Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

News

Bawal Pumasok sa School ang Hindi Bakunado

Maigting na ipinatutupad ng DepEd (Department of  Education) ang pagbabawal sa mga guro at personnel na hindi pa bakunado ang pumasok sa school para sa face to face classes kung saan makakaharap na nila ang mga mag-aaral ng paaralan.

Pawang mga bakunadong guro at personnel lamang ang pinapayagan para na rin sa kaligtasan ng mga estudyanteng papasoksa school.

Kailangan ding magpakita ng negative test result  bago sila papasukin sa mga paaralan na kasalukuyang nagsasagawa ng face-to-face classes.

Pahayag naman ni DepEd Undersecretary for Human Resource and Development Wilfredo Cabral, ang mga hindi bakunadong guro at staff ay maaari pa ring magtrabaho sa pamamagitan ng work from home, skeletal work force at shifting arrangement.

Patuloy pa rin ang bakunahan sa iba’t ibang lugar ng NCR at karatig probinsiya para maabot na ang tinatawag na immunity herd.