Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

‘Bata-bata’ system, tinanggal

Inalis na ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Manuel Roxas II ang paggamit ng impluwensya ng pulitika at bata-bata system sa promosyon ng mga opisyal sa Philippine National Police (PNP). Binigyang-diin nito na susuportahan niya ang bawat pulis na gagawa ng tama at magsisilbing ehemplo sa kapwa nito pulis.

“Tapos na ang araw ng mga padrino, tapos na ang araw ng palakasan at pagpapapogi at the expense of the institution and of others. Ang inyong promosyon ay susukatin batay sa inyong performance, sa inyong disiplina, dedikasyon sa katungkulan at katapatan sa serbisyo,” ani Roxas sa kanyang talumpati sa kanyang kauna-unahang flag-raising ceremony sa Camp Crame.

Umupo si Roxas bilang bagong hepe ng DILG noong Oktubre 1. Pinalitan nito si Sec. Jesse Robredo na nasawi sa pagbagsak ng eroplano noong Agosto 18.-(Abante)