Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Bagong Proyekto ni Xian Lim at Megan Young

Megan Young

After My Binondo Girl ay nagtatanong ang mga tagahanga ni Xian Lim kung ano ang susunod na project ng kanilang idolo.  May pelikulang ginagawa si Xian at ang katambal niya dito ay si Megan Young.

Ang title ng pelikula ay The Reunion. Nakakatuwang panoorin kung paano madaling nakuha ni Xian ang iba’t ibang emosyon na kinunan para sa look test. “I know it’s going to be a super fun movie. I’m hoping na matanggap ng maraming tao. Excited na kaming mag-umpisang mag-shooting.” “Ang makaka-partner ko dito ay si Megan Young. Nagka-work na kami before sa Rubi, Of course it’s going to take time molding into our characters pero I think there won’t be any problem working with her since we’re also friends behind the cam. Ilang beses na rin kaming nagkasama sa out of town shows so it would definitely help us create a good chemistry on screen.”

Tungkol naman kay Kim Chiu ay umaasa pa rin si Xian Lim na magtatambal ulit sila ni Kim. “Sana mag-start na siya. I’m excited. I can’t wait to have another project with her. Wala pang official word about it. But hopefully we can start soon kasi madami na rin ako naririnig.