Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Bagong OPM hits bibida sa “Himig Handog 2017”

Isa sa mga entries ang pipiliing TFC’s Global Choice for Favorite Song; mga Pilipino sa iba’t-ibang bahagi ng mundo makaboto via www.onemusic.ph/Himig-Handog

Nagbabalik ang worldwide search para sa mga pinakabagong Original Pilipino Music (OPM) at ang pinakamalaking songwriting competition na “Himig Handog 2017”.

Ang naturang kompetisyon ang nagbigay-buhay sa ilang popular na OPM hits tulad ng “Anong Nangyari Sa Ating Dalawa,” “Mahal Ko o Mahal Ako,” at “Dalawang Letra,” at ngayong taon ay ipe-perform ang mga entries sa “ASAP”, na mapapanood sa labas ng bansa ngayong Oktubre via The Filipino Channel (TFC), sa key countries worldwide.

Nasa ikawalong taon na ngayon ang Himig Handog na pinangungunahan ng ABS-CBN at Star Music. Nagsimula ito noong early 2000s at binuhay muli noong 2013. Marami sa mga awiting naging bahagi ng patimpalak ang sumikat at napili upang maging theme song ng ilan sa mga programa sa telebisyon at pelikula. Ang ilan sa mga nakaraang songwriters at interpreters ay unti-unti na ring nagkakaroon ng kani-kanilang marka sa larangan ng OPM.

Sampung mga awitin ang napiling finalists mula sa halos 7,000 entries na nanggaling sa mga Pilipino mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Bilang tradisyon ng Himig Handog, ang mga napiling komposisyon ay aawitin ng ilan sa mga kilalang music artists ngayon.

Kabilang sa Himig Handog interpreters sina Jake Zyrus para sa song entry ni Agatha Morallos na “Bagyo”; si Migz Haleco para sa “Bes” ni Eric de Leon; si Inigo Pascual kasama si Aikee para sa “Extensyon” niMichael “Aikee” Aplacador; si Morissette naman para sa awiting “Naririnig Mo Ba?” nina LJ Manzano at Joan Da; at si Jona para sa “Sampu” nina Raizo Chabeldin at Biv De Vera.

Kasama rin dito ang Unit 406 para sa kantang “Tanghaling Tapat” ni Gabriel Tagadtad; sina Kyla at Jason Dy para sa “Tayo Na Lang Kasi” ni Soc Villanueva; si Kaye Cal para sa awiting “The Labo Song” nina Karl Gaurano at Teodoro Katigbak; si Moira para sa “Titibo-Tibo” ni Libertine Amistoso; at si Janella Salvador para sa “Wow na Feelings” ni Karlo Zabala.

Aawitin ang mga Himig Handog songs sa “ASAP” na nagsimula noong nakaraang linggo, kung saan itinanghal ang mga kantang ”Titibo-Tibo” ni Moira, “Wow na Feelings” ni Salvador, at “Naririnig Mo Ba?”ni Morisette.

Itong linggo, live na ipe-perform ni Jona ang “Sampu”, Kaye Cal ang “The Labo Song”, at Inigo at Aikee ang “Ekstensyon”. Ang huling batch nang magpe-perform ay sina Haleco para sa kantang “Bes”, Unit 406 para sa kantang “Tanghaling Tapat”, Zyrus para sa “Bagyo”, at Kyla at Dy para sa “Tayo na Lang Kasi”.

Ang songwriter na tatanghaling may pinakamagandang komposisyon ay tatanghaling Grand Champion. Paparangalan din ang first to fifth runners up ng kompetisyon.

Isa sa mga special awards ay ang TFC’s Global Choice for Favorite Song, kung saan ang awitin na mayroong pinakamaraming boto ang tatanghaling panalo. Upang makaboto, maaaring pumunta lamang ang mga kababayan sa ibang bansa sa www.onemusic.ph/Himig-Handog, mag-login o gumawa ng Kapamilya ID, at i-click ang “VOTE” sa ilalim nang napiling kanta. Ang magwawaging kanta ay makakatanggap ng $2,000 na cash prize.

Ang iba pang special awards na maaaring matanggap ng mga kalahok ay MOR’s Choice, Star Music Listeners Choice, at One Music PH Choice for Favorite Interpreter, at ang magwawagi sa bawat special award ay makatatanggap ng Php 50,000. Makakatanggap din ng Php 50,000 ang grupo ng mga estudyante na magwawagi para sa Myx Best Music Video.

Ang mga music videos ng Himig Handog ngayong taon ay pangungunahan  ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang eskwelahan kabilang ang Bulacan State University; Columban College Olongapo; Lyceum of the Philippines-Laguna; Southern Luzon State UniversityHoly Angel University-PampangaDe La Salle Lipa; at MINT College.

Available na ang digital copies ng mga awitin ng Himig Handog online,  Ang mga lyric videos naman ay mapapanood sa YouTube Channel ng Star Music.

Abangan ang Himig Handog 2017 grand finals sa darating na November 26 sa “ASAP”, na mapapanood sa loob ng bansa via ABS-CBN Channel 2, at sa labas ng bansa via TFC. May streaming din ang finals nito simulcast sa local airing nito via TFC online (www.TFC.tv), sa key countries worldwide.