Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Bagong mga mukha, bumida sa bagong ABS-CBN drama series na “Pusong Ligaw”

Ibabahagi nina Beauty Gonzales, Bianca King, Joem Bascon, Raymond Bagatsing, Sofia Andres, Diego Loyzaga, and Enzo Pineda ang mga kuwento tungkol sa pagkakaibigan,
pamilya at pag-ibig sa seryeng “Pusong Ligaw,” na mapapanood sa labas ng Pilipinas via TFC
Bianca King

Nakikilala na ang ang mga bagong mukha na magbibigay buhay sa mga karakter ng kuwento tungkol sa mga pusong nagmamahal at nangangarap sa “Pusong Ligaw” na mapapanood nationwide via ABS-CBN at sa labas ng Pilipinas via TFC. Napanood din ang pilot episode nito via streaming sa key countries worldwide via TFC online (TFC.tv), simulcast sa Philippine airing nito sa ABS-CBN.

Sa ilalim ng produksyon ng Star Creatives, ang “Pusong Ligaw” ay pinangungunahan nina Diego Loyzaga, Sofia Andres, Enzo Pineda, Beauty Gonzales, Bianca King, Joem Bascon, at Raymond Bagatsing.

Beauty Gonzales

Magtatambal at bibida sa unang pagkakataon sa telebisyon sina Loyzaga at Andres bilang sina Potpot at Vida, matapos silang unang magkasama sa 2014 hit serye na “Forevermore.”

Pangarap ko talaga ito. Ngayon ko na nararamdaman iyong hard work simula noong gumagawa ako ng VTRs with my mom. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na ako pero sobrang nagpapasalamat ako,” sabi ni Andres.

Matagal ko nang inantay ito. Masaya ako na nandito na ako at nagsisimula na kami, lalo pa at bigatin itong mga kasama ko. Sobrang perfect timing,” pagbabahagi naman ni Loyzaga.

Biggest break naman na maituturing ito ni Gonzales matapos maging leading leady ni Zanjoe Marudo sa “Dream Dad,” na sinundan pa ng TV series na “Ningning” noong 2015, at kasabay din ng iba pang tumatak na roles sa iba’t ibang mga pelikula sa ilalim ng Star Cinema.

Ani Beauty, “Labis na pasasalamat at nerbyos ang nararamdaman ko pero handa na ako sa pagsubok na ito. Ito na rin ang tsansa para makita ng mga tao ang kakaibang Beauty.”
Samantala, unang beses naman na bibida sa isang ABS-CBN series ang mga bagong Kapamilya na sina Pineda at King, habang mamarkahan naman ng programa ang pagbabalik-Kapamilya ni Bagatsing.

Bukod sa mga bagong mukha, isa na namang hindi malilimutang kuwento ang handog sa mga manonood ng produksyon ng Star Creatives, matapos ang matagumpay at dekalibreng mga serye tulad ng “Princess and I,” “Got 2 Believe,” “Forevermore,” “Dolce Amore,” at “A Love to Last.

Joem Bascon

Ang “Pusong Ligaw” ay kuwento tungkol sa kay Tessa (Gonzales) na nagsisikap na maging fashion designer at ang madiskarteng kontesera niyang kabigan na si Marga (King) Masaya ang kanilang pagkakaibigan ngunit dala ng ingit ay magagawa ni Marga na agawin kay Tessa ang nobyong si Caloy (Bascon), dahilan para tuluyan nang mawasak ang kanilang relasyon.

Raymund Bagatsing

Sa paglisan ni Tessa, malalaman niyang siya ay nagdadalang-tao. Itataguyod niyang mag-isa ang anak na si Rafael ngunit sa kasamaang palad ay madudukot ito mula sa kaniya. Halos ikamatay at ikabaliw niya ang nangyari pero sa tulong ni Jaime (Bagatsing) at ng kanilang ampon na si Rafa (Pineda) pipilitin niyang bumangon mula sa masasakit na mga pangyayari sa kaniyang buhay.

Lingid sa kaalaman ni Tessa, ang nawawalang anak na si Rafael ay napunta na sa kalinga ng mapagmahal na pamilya Policarpio at mag-aaral na ng kolehiyo sa Maynila bilang si Potpot (Loyzaga). Dito niya makikilala si Vida (Andres), anak ni Marga na pipiliing suwayin ang ina para tuparin ang pangarap na maging fashion designer tulad ng idolong si Tessa na kilala sa fashion industry bilang ang sikat na designer na si Terry Laurel.

Ano ang magaganap sa muling paghaharap ng dating magkaibigan? Paano maapektuhan ng nakaraan ang buhay nina Potpot, Vida at Rafa? Sino ang tatahak sa landas ng pag-ibig at sino naman ang tatahak sa landas ng poot at paghihiganti?

Ang pinakabagong serye sa hapon ay mula sa direksyon nina GB Sampedro, Elfren Vibar, at Henry King Quitain, at pinamumunuan ni Lourdes De Guzman. Ang Star Creatives ay pinamumunuan ng Chief Operating Officer nito na si Malou Santos.