Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Bagong Chief Justice, hinihintay na

Matapos ang mahabang impeachment trial at nahatulang guilty ang punong mahistrado, hinihintay na ng sambayanang Pilipino kung sino ang ipapalit o itatalagang bagong Chief Justice ng bansa.

Mayroong tatlong buwan ang Pangulong Aquino upang magtalaga ng bagong Punong Mahistrado. Sa ngayon ay maraming nakapila sa listahan ng Malacanang kung sino ang ipapalit subalit kailangan diumano na isang chief justice na mapagkakatiwalaan ng sambayanan.

Isang taong kapita-pitagan at magiging tapat sa kanyang tungkulin hindi lang sa kanyang posisyon kundi pati sa mga taumbayan.