Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

ASEAN: Maging mas kooperatibo

Sa 30th ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) Ministers on Energy Meeting na dinaluhan ng mga Energy officials mula sa iba’t ibang bansa na sakop ng ASEAN ay hinimok ni Cambodian Minister of Industry, Mines and Energy Suy Sem ang mga kapwa ministro nito na makiisa sa pagpapalakas ng low-carbon economy para sa green Asean energy sector. Sa datos ng ASEAN ay nagkaroon ng 4.97% na pagbaba sa energy intensity na nagpapakita na ang rehiyon ay nasa tamang landas at sinusunod nito ang standards na itinakda ng samahan. (Sun Star)