Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Cover Focus

Arci Muñoz, Goin mainstream 2012 with felina

Babandera ngayon sa himpapawid ang makamandag na kagandahan sa pagbubukas ng TV5 ng kanilang pinakabagong telerserye, at ito ay pinangungunahan ni Arci Muñoz na unang nakilala sa reality show na StarStruck.

Noong nakaraang taon, ang magandang dalaga ay lumipat sa bakuran ng TV5 sa kanyang pagpirma ng eksklusibong dalawang taong kontrata dito. At ngayon, siya ngayon ang bida sa pang-hapong drama ng namamayagpag na network na ito.

Sulyap sa buhai

Isinilang si Arci bilang Ramona Cecillia Datuin Munoz sa Quezon City noong ika-12 ng Enero, 1989. Mula pagkabata, nakikilala na siya dahil sa kanyang nangingibabaw ng kagandahan. At nang siya pumasok na sa larangan ng showbiz, una siyang nakilala bilang commercial model, at nakilala na siya sa kanyang pagsali sa StarStruck.

Espanyol ang ama ni Arci at Pilipina naman ang kanyang ina. Ito marahil ang dahilan kung bakit kakaiba ang kanyang ganda.

Noong 2008, napabilang ang dalaga sa mga isinali ng Pilipinas sa Asia Supermodel Competition. Dito nakilala siya sa kanyang kakayanan sa pagmomodelo.

Noong siya ay nasa Siete pa lamang, napansin ang kanyang kakayahang umarte sa seryeng ‘Ngayon at Kailanman’, isang remake ng klasikong nobela. Maliban dito, gumanap din ang dalaga sa mga serye katulad ng Bakekang, Prince Charming, Pati Ba pintig ng Puso, at marami pang iba sa GMA 7. Nang siya ay napalipat na sa TV5, agad naman siyang sa kabi-kabilang project tulad ng ‘My Driver, Sweet Lover’, ‘Midnight DJ’, ‘Mga Nagbabagang Bulaklak’ at ang ‘Utol kong Hoodlum’.

Paglipad sa 2012

Pursigido ngayon ang management ni Arci na pinangungunahan ni Anabelle Rama at ngayon ang big Boss ng Vic del Rosario Viva na full blast sila ngayon upang mapaangat ang career ng batang artista.

Bukod sa mga proyekto niya sa TV5 siya ngayon ay binibigyan ng konsiderasyon na mabigyan ng malaking pelikula sa taong ito. Inaasahang ito na ang taon ng kanyang pagangat sa lugar ng mga tala.

More of Arci

Matagal nang pangarap ni Arci na makisali sa Bb. Pilipinas o Miss Earth. Bata pa lamang daw siya, inaasam na niya ito. Ngayon siya ay 22 taong-gulang pa lang naman, kaya maari pa siyang makipagtalbugan sa mga nasabing beauty pageant. Maliban dito, si Arci ang lead singer ng rock na bandang Philia na aktibo pa rin hanggang sa kasalukuyan. (PhD)