Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Apan Apan

Ito ang isa sa ipinagmamalaki ng mga Ilonggo. Una, ang ulam na ito ay may crispy pork na tawag ay “tulapho” at saka nilasahan ng “guinamos” na tulad ng lasa ng bagoong alamang. Malasang ulam dahil ang amoy at lasa ng bagoong ay magandang kumbinasyon sa gulay tulad ng kangkong at ang lutong ng baboy na inaakumpanyahan ng mainit na jasmine rice. Siguradong masisiyahan kayo. Simpleng lutuin subalit malinamnam.

Sangkap:
  • 2 tali ng kangkong, dahon lang at wag isama ang tangkay
  • 3 tasang tulapho
  • 3 tbsp bagoong alamang (o guinamos)
  • ¼ tasang cane vinegar
  • 2 kutsarang soy sauce
  • 8 pirasong bawang, pitpitin
  • 1 puting sibuyas, tadtarin
  • asin
  • paminta
  • mantika
Paraan:
  1. Igisa ang bawang at sibuyas sa mantika. Lutuin hanggang ang sibuyas ay lumambot.
  2. Haluin ang bagoong at ihalo ang suka, pakuluin.
  3. Ilagay ang kangkong, tulapho at soy sauce. Haluin sa loob ng 2 minuto.
  4. Lasahan ng patis kung kinakailangan at paminta. Ihain na may kasamang mainit na kanin.

Source: Raymund Macaalay (recipe & photo) http://www.angsarap.net/