Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Cover Focus

Anne Curtis is everywhere

Ann Curtis

Bata pa lamang ay nakitaan na si Anne Ojales Curtis-Smith, o mas kilala bilang si  Anne Curtis, ng kakaibang ganda at talino na bagay sa mundo ng showbusiness.  Si Anne ay hindi purong Pilipino.  Ipinanganak siya sa  Wangaratta, Australia.   Noong siya ay bata pa,  taun-taon ay nagbabakasyon sila ng kanyang pamilya sa Pilipinas upang dalawin ang kanilang mga kamag-anak hanggang nang taong 1997, hindi niya akalaing ang kanilang pagbabakasyon ay magiging permanenteng pananatili sa Pilipinas dahil siya ay natuklasan ng isang talent scout upang maging modelo sa isang commercial. 

Dahil dito,  si Anne at ang kanyang ama ay nag-desisyong manatili ng matagal sa Pilipinas.  Tinapos niya ang 7th grade sa Colegio De Sta. Rosa sa Makati at dahil sa hindi siya bihasa sa pananagalog ay kinailangan niyang kumuha ng special Filipino classes upang madagdagan ang kanyang kaalaman sa pagsasalita ng sariling wikang Tagalog.  Masasabing sa showbiz natunghayan ang pagsibol ng isang Diyosa hindi lamang ng kagandahan kundi maging sa larangan ng pag-arte.  Ang pananatili niya, simula pa pagkabata, sa mundong ginagalawan ang nakatulong ng malaki upang maabot niya ang kung anumang kinatatayuan niya sa ngayon. 


Career
1990–2003: Career beginnings

Si Anne ay ipinakilala sa pelikulang Magic Kingdom kung saan ginampanan niya ang papel na prinsesa.  Dito nagsimula ang mga paglabas niya ng supporting roles sa mga palabas ng
GMA 7.  Ilan dito ay ang T.G.I.S., Ikaw Na Sana at ang tinawag na longest running situational comedy series  na Beh Bote Nga.

2004–2007: Network transfer and various lead roles

Taong 2004, nagdesisyon si Anne na lumipat sa karibal na network studio ng GMA 7, ang ABS CBN.  Sa kanyang bagong “bahay”, binigyan si Anne ng mga roles na mas matured kesa sa mga roles na ginampanan niya sa iniwang studio.  Sa ABS CBN ay naging mas mapusok sa desisiyon ibigay sa kanya ang mga mas matured roles.  Ang kanyang unang matured role ay ang “Hiram” kung saan nakasama niya ang mga malalaking bituin ng ABS CBN na sina  Kris Aquino, Dina Bonnevie, John Estrada, Heart Evangelista at Geoff Eigenmann.  Dito mas nahubog ang talento ni Anne sa pag-arte at nagdesisyon ang management ng Dos na bigyan siya ng sarili niya teleserye.
Taong 2005, ibinigay kay Anne ang title role sa telebisyon, ang “Kampanerang Kuba.”
Taong 2005 din nang maging host si Anne ng reality show na Qpids, kasama ang best friend niyang si Luis Manzano. Sumunod na taon ay gumawa siya ng kauna-unahan niyang pelikula sa ilalim ng Star Cinema, All About Love.  Naging matagumpay ang pelikula kung kaya’t hindi naglaon ay may kasunod na agad na proyekto para kay Anne at ito ay sa ilalim ng Star Cinema at Viva Films ang ‘Wag Kang Lilingon”

Sa taong din yun ipinanganak ang critically acclaimed television drama series, Maging Sino Ka Man, kung saan nakatambal niya si Sam Milby.  Sa teleseryeng ito sumikat ang pangalang Celine dahil yun ang naging bukang bibig ng mga masugid na tagahanga ng naturang teleserye.  Ang role niya bilang si Celine ang nagbigay sa kanya ng best actress nomination mula sa PMPC Star Awards for Television.


2008–2010: Continuous television and film projects

Nagtuluy-tuloy ang paggawa ni Anne ng mga pelikula at TV appearances.  Ginawa rin niya ang pelikulang When Love Begins.  Ang kauna-unahang Best Actress award para kay Anne ay nagmula sa 34th Metro Manila Film Festival para sa pelikulang “Baler,” kung saan naging katambal niya si Jericho Rosales sa kauna-unahang pagkakaton.  Nagkaroon siya ng nominasyon mula sa 25th PMPC Star Awards for Movies bilang Film Actress of the Year at 11th Gawad Pasado Awards bilang Pinakapasadong Aktres.


2008 din nang ibigay sa kanya ng ABS CBN ang title role sa teleseryeng Dyosa.   Inamin ni Anne na siya ay ninerbiyos sa role na Diyosa pero ang pinakamhirap aniya ay ang papel na isang mermaid.  Tatlo ang leading man ni Anne sa naturang teleserye, sina Sam Milby, Luis Manzano at Zanjoe Marudo.  Dito nagsimula na tawagin siya na “Dyosa” ng Philippine Showbiz.
Siya rin ay naging host ng morning variety show na “Showtime” kasama sina Vhong Navarro, Kim Atienza, Vice Ganda at iba pa.
Taong 2009, gumanap siya bilang si Candice sa isang televisio series na The Wedding kasama sina Zanjoe Marudo at Derek Ramsay. AT tuluy-tuloy ang paggawa ng plikula tulad ng  Babe, I Love You kasama si Sam Milby, In Your Eyes, kasama si Claudine  Barretto at si Richard Gutierrez. 


2011: No Other Woman and Career expansion via Annebisyosa

2011, Nagkaroon muli ng isa pang teleserye si Anne at ito ay ang Philippine adaptation ng  Koreanovela “Green Rose.”  Dito ay muli niyang naksama si Jericho Rosales at sa pagitan ng paggawa ang teleserye ay gumagawa din siya ng pelikula ang Who’s That Girl? kasama muli ang kanyang kaibigang si Luis Manzano. Itinuring niyang katuwaan ang naturang album dahil sobra daw siyag nag-enjoy sa paggawa nito.  Sa loob ng wala pang isag buwang mula nang i-release ang album ay nagkapagtala ito ng 10,000 kopya na naibenta kung kaya’t umabot ito sa gold status. 

Lubhang sinuwerte sa lahat si Anne dahil nang muli siyang gumawa ng pelikula, No Other Woman, kasama sina Derek Ramsay at Cristine Reyes, ito ay itinanghal na pinaka highest grossing Filipino film na kumita ng Php 275 Million.

Anne

 

 


2012: Annebisyosa: No Other Concert World Tour

Hindi tumigil ang pangarap ni Anne na maging isang singer dahil nagkaroon siya ng kauna-unahang concert sa Smart-Araneta Coliseum, Annebisyosa bilang handog niya sa kanyang tagahanga para sa kanyang 15th year sa showbusiness.   Naging matagumpay ang naturang concert at dinala pa nila ito sa iba’t ibang parte ng Pilipinas at maging sa ibang bansa bilang Annebisyosa No Other Concert World Tour. 


Ayon sa aktres, kabilang sa mga proyektong nakapaloob sa panibago niyang two-year contract ang pananatiling host ng “It’s Showtime” at isang teleserye kada taon, kabilang na ang pagbida niya sa “Dyesebel” na hango sa sikat na komiks ni Mars Ravelo.

Hindi maitago ng aktres hanggang ngayon ang lubos na kasiyahang nadarama sa pagkakapili para sa naturang role.

“Pangarap ng bawat babae ang maging sirena. Para gampanan ang isang karakter na parte ng literatura nating mga Pilipino, ito’y isang napakalaking karangalan,” sabi niya.