Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Wholesome

Ang Kalusugan ng ating Kaisipan sa Panahon ng Pandemik

Mahigit isang taon na mula nang mag-umpisa manalasa ang Covid-19 sa buong mundo. Aminin man nati’t sa hindi, maraming pinsala ang naidulot nito hindi lang sa lahat ng bansa kundi maging sa buhay ng bawat indibiduwal. Hindi biro ang dinanas ng lahat ng bansa dahil bumagsak ang ekonomiya sa buong mundo. Hindi rin biro ang restrictions na ipinatupad ng bawat lider ng bansa kung paano nila haharapin at susugpuin ang pagkalat ng virus. Mula sa lockdown hanggang sa pagsasara ng lahat ng borders papasok at papalabas ng bansa. Lahat ng iyan ay dapat nating pasalamatan ang mga lider dahil ginawa nila ang lahat ng kanilang magagawa upang iligtas ang kanilang mamamayan.
Totoong nabawasan ang populasyon ng buong mundo dahil marami ang dinapuan ng covid. Paspas din ang bawat pharmaceutical companies na makatuklas ng bakuna upang masugpo ang pagkalat ng mapaminsalang peste.

Maraming dumanas ng depression, anxiety attack, stress, lungkot at pangamba. Ang pananatili ng isang sa indibiduwal sa loob ng tahanan sa loob ng halos ilang buwan noong nakaraang LOCKDOWN ay parang nasa isang kulungan.

At sa mga panahong ito, ang tanging maitutulong ng ating gobyerno ay maghigpit sa restrictions para pangalagaan ang buhay ng bawat nilalang. At dito na rin naisip ng mga tao kung paano makaka-survive sa panahon ng pandemya. Pangalagaan ang sarili para maging malakas ang immune system at maging healthy mentally, physically at emotionally.

PANGANGALAGA NG ATING KALUSUGAN SA PAG-IISIP

At habang nagpapatupad ng restrictions para mabawasan ang pagkalat ng covid infection, padami nang padami rin ang mga taong unti-unting niyayakap ang pagbabago sa kanilang pang araw-araw na gawain.
Ang bagong reyalidad na pagta-trabaho sa bahay imbes na pumapasok sa opisina, ang pansamantalang pagkawala ng trabaho, ang pagho-home schooling ng mga bata, ang pag-iwas na magkita-kita ang mga magkakamag-anak at kaibigan ay nakakasanayan na rin. Naging parte na ng buhay ang pagsusuot ng mask at face shield sa tuwing lalabas ng bahay para bumili ng essential goods. Ang pagsunod sa alituntunin ng bawat establisimyento tulad ng social distancing. Naging challenge sa bawat isa sa atin ang mga pangyayaring ito. Bukod dito ay ipinagpatuloy natin ang pagaalaga sa ating pangkabuuang kalusugan. Ang pag-aadapt sa new normal sa pamamagitan ng lifestyle change at pagiging mas maingat sa paligid natin. Tulungan ang mga nangangailangan ng tulong lalo na sa mga taong may mental health conditions.

Narito ang ilang tips na kahit paano ay makakatulong sa may mga ganitong condition;

1. Panatilihin natin ang pagiging alerto. Makinig sa lahat ng payo at rekomendasyon mula sa national at local authorities. Manood lamang sa mga news channel na ating pinagkakatiwalaan at laging pumunta sa site ng WHO (World Health Organization) para sa update ukol sa covid-19 virus.
2. Magkaroon ng pang araw-araw na routine na ginagawa para sa kalusugan.
3. Matulog at gumising sa tamang oras araw-araw.
4. Kumain ng regular at healthy foods.
5. Mag-ehersisyo araw araw.
6. Magbigay oras sa pagtatrabaho at pagre-relax.
7. Iwasan ang masyadong nakatutok sa panonood ng telebisyon lalo na yung balitang nagpapataas lamang ng inyong stress level.
8. Kung ang feeling mo ay nabo-bored ka na sa bahay ay huwag mong ibaling ang sarili sa pag-inom ng alak dahil hindi ito makakatulong sa iyo.

Para sa mga magulang



Sa panahon ng ganitong stressful times, unawain ang mga anak natin dahil mas lalo nilang kailangan ang inyong atensyon. May mga nagsasabi nga na nakabuti ang lockdown dahil mas maraming pamilya ang nagkaroon ng quality time at sama-sama silang humaharap sa sitwasyon.

 

1. Gawin ang laging ginagawa sa loob ng tahanan o magdagdag ng extra activity kung talagang dapat na manatili sa loob ng bahay.
2. Maging matapat sa inyong mga anak sa pagtalakay kung ano ang coronavirus at ang mga epektong dulot nito sa katawan ng tao kapag nadapuan nito at kung ano ang dapat gawin para maiwasang mahawahan nito.
3. Suportahan din ang mga anak ninyo sa kanilang pang araw-araw na activities lalo na ang home learning at ilagay sa tamang oras ang paglalaro.
4. Mga activities na makakatulong sa kalusugan ng lahat. Pwede ring turuan ang mga bata na gamitin ang computer o tablet para maka-usap nila ang kanilang mga kaibigan o kamag-anak para ma-feel nila na hindi sila nag-iisa.
5. Kung may garden ay maganda ring gawin ang outdoor activities na sama-sama kayong buong pamilya para hindi ma-bored sa loob ng bahay.

Para sa senior citizens


1. Magkaroon ng daily contact gamit ang telephone o email o via zoom or facetime para i-check ang kalagayan ng isa’t isa.
2. Gawin pa rin ang daily routines, pagkain ng healthy sa tamang oras, matulog sa tamang oras at maging active sa loob ng bahay.
3. Pag-aralan ang mag-exercise kahit simpleng physical exercises para mapanatiling kumikilos ang buong katawan.
4. Pag-aralan din ang mga paraan na makakatulong sa inyo tulad ng kung ikaw ay lalabas at kailangan ang sasakyan, gamit ang inyong apps ay makakatawag kayo ng taxi, o pagpapa-deliver g pagkain at siguruhing yang supply ng food stock at medicine stock ay pang mahabang panahon. Pwedeng humingi ng tulong sa kamag-anak o kaibigan o maging kapitbahay kung kinakailangan ng tulong.
5. Mas mabuti pa ring magkaroon ka ng kasamang mapagkakatiwalaan para hindi ka nagi-isa.

Para sa may Mental Health Condition


  1. Kung ikaw ay ginagamot dahil sa iyong mental health condition, siguruhing maiinom mo ang gamot na ayon sa direksyon at instructions ng doktor.
  2. Magkaroon ng contact sa mga taong handang tumulong sa iyo sa panahon atakihin iyong condition.
  3. Kung ikaw naman ay may alcohol problem, laging tandaan na ang covid ay pwedeng magbigay sa iyong isipan ng tindi takot at pagtaas ng stress and anxiety level kaya kailangan mo itong paglabanan at hindi ang pag-inom ng alcohol ang sagot dito.
  4. Para naman sa mga gambler o addicted sa gambling, laging makipag-ugnayan sa iyong therapist sa ganitong panahon na hindi pa pwedeng lumabas at magpunta sa clinic. Pwedeng online telehealth.