Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Amy Perez and Roderick Paulate the Singing Bee

Amy Perez and Roderick Paulate with Vice Ganda

Mas maganda at mas masigla na ang bawat umaga dahil ang nagbabalik-Kapamilya na si Amy Perez ay makakasama na araw araw sa “Umagang Kay Ganda.”Nagsimula si Amy sa showbiz bilang isang aktres noong 1984. Lumabas siya sa mga pelikulang tulad ng “Campus Beat” at “Jack a& Jill” bago siya sumabak sa hosting.
Pinakatumatak ang pagiging host ni Amy noong early 90s ng magkasunod siyang napabilang sa “’Sang Linggo
NAPO Sila” na agad sinundan ng “Magandang Tanghali Bayan.”
Sumabak din siya sa pag-arte sa telebisyon kung saan isa sa hindi malilimutan niyang papel ay ang papel ni Amelia sa long-running sitcome na “Palibhasa Lalaki.”
Sa ngayon, host si Amy ng musical game show na “The Singing Bee” tuwing Sabado kasama si Roderick Paulate.