Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Aljur At Kylie, Hiwalay Na!

Nung una ay akala ng iba ay pang promo lamang para pag-usapan pero nag-umpisa ito sa cryptics posts ni Kylie na parang may pinagdaraan.  Lalong lumakas ang kutob ng mga tagahanga nang makita nila sa facebook at instagram posts ni Kylie na may pahiwatig na hiwalay na sila ni Aljur.  Nanahimik pansamantala pero kamakailan ay kinumira ni Robin Padilla ang paghihiwalay ng dalawa sa paamamagitan ng vlog ni Ogie Diaz.

Sa kanyang mga itinuran ay may third party sa paghihiwalay ng dalawa pero kapansin-pansin din na tahimik lang ang dalawa at marahil ay gumitna at nagpayo si Robin na gawin itong pribado at huwag ipangalandakan sa social media ang kanilang “pag-aaway”.   Walang sagot si Aljur sa mga kumpirmasyon ni Robin pero umaasa pa rin ang marami na magkakabalikan pa rin sila. Pero sa ngayon ay ayaw na muna nilang magsalita at maging maaayos ang kanilang pagko-co-parenting sa dalawa nilang anak.