Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

News

Alert Level 1 sa NCR, Hindi Muna Mangyayari

Nang ibinaba ng gobyerno ang alert level sa NCR mula alert level 3 pababa sa alert level 2, marami ang natuwa at umasang ang sunod nito ay ibaba na sa alert level 1 na tataon sa panahon ng Kapaskuhan.
Subalit, ipinaliwanag ng DOH sa pamamagitan ni DOH Undersecretary Rosario Vergeire na ang naturang kagawaran ay hindi a iniisip na ibaba ang alert level sa buong NCR sa level 1 dahil inoobeserbahan pa rin nila ang aktibidades ng pagbibigay ng bakuna sa iba’t ibang lugar ng bansa.  Inoobeserbahan din nila ang mga aksyon o ginagagawa ng mga tao habang nasa ilalim ng alert leel 2 kung ang restrictions ba ay nasusunod pa rin.
Sa kabilang banda, ipinahayag din ng DOH na may lumabas ng bagong variant ang covid-19 at ito ay ang OMICRON na ayon sa iba ay lubhang nakakahawa kesa Delta variant.
SO far, wala pa diumano naiuulat na kaso ng OMICRON sa bansa kung saan nananalasa ngayon sa bansang South Africa at iba pang karatig bansa nito.
Ayon pa rin kay Vergeire, kahit na ibaba ang alert level sa 1 ay hindi pa rin dapat kalimutan ang restrictions na nakapalpob dito.
Ipapahayag lang nila ang alert level 1 sa buong ncr kung sa tingin nila ay ligtas na ang mga tao sa banta ng covid-19 at kung ang mga heath protocols ay nasusunod sa iba’t ibang lugar sa bansa.  Importane anya ang bakuna para sa kaligtasan ng bawat Pilipino.