Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Ai Ai delas Alas-Kumusta na?

Napapanood pa rin tuwing linggo sa Sunday Pinasaya ang mahusay na komedyanang si Ai Ai delas Alas at nababakas din sa mukha nito ang kakuntentuhan sa buhay. Masaya siya dahil maganda ang takbo ng kanyang career at gagawa ulit siya ng pelikula under Star Cinema at patuloy pa rin ang kanyang pagiging Kapuso. Ano pa nga ba ang maire-reklamo ng isang Ai Ai? Nagkaroon kamakailan ng show si Ai Ai kasama sina Ogie Alcasid, Erik Santos at Solenn Heussaff. Naging successful ito at natutuwa si Ai Ai. Sabi nga niya ay wala na siyang mahihiling pa sa nangyayari sa kanyang buhay dahil mababait ang kanyang mga anak na tanggap din ang kanyang bagong pag-ibig na si Gerald Sibayan. Sa ngayon ay pa easy easy lang siya at naghihintay na rin siguro ng tamang panahon kung kailan nga ba siya lalagay sa tahimik o kung si Gerald na ang kanyang magiging kabiyak ng buhay. Wait and see dahil ninanamnam pa rin ni Ai Ai ang tahimik at masayang buhay sa piling ni Gerald at mga mapagmahal na mga anak at pagging successful sa showbiz.