Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

ABS-CBN, binuksan ang “Kapamilya YOUniverse” sa YouTube

Mas pinalakas at mas pinalaki ang Kapamilya experience sa YouTube sa paglulunsad ng “Kapamilya YOUniverse,” ang pagsasama-sama ng mga paboritong YouTube channel ng ABS-CBN para magpalabas ng mga bago at sari-saring content simula ngayong Agosto.

Mag-subscribe na sa YouTube channels ng Star Cinema, Star Music, MOR Entertainment, ABS-CBN News, at ABS-CBN Entertainment para ma-enjoy ang mga minahal na palabas ng ABS-CBN hanggang sa bagong original shows na ekslusibong ginawa para sa YouTube, live concerts, pinakahuling balita at impormasyon, interactive programs, at song playlists.

Sa Star Cinema YouTube channel, mas makikilala pa ng “He’s Into Her” fans ang mga iniidolo nilang bida sa exclusive interviews nila sa “He’s Into Her Extras” at sa behind-the-scenes documentary tungkol sa pagbuo ng hit online series na “He’s Into Her: The Journey.”Bubuksan din ng Star Cinema ang “Secret Movie Files,” kung saan ipinapaliwanag kung paano ginawa ng mga direktor ang pinaka-hindi malilimutang eksena sa malalaking Star Cinema movies. Tampok sa unang episodes nito sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, at Direk Cathy Garcia-Molina.

Para naman sa mga gustong maging updated sa balita mula umaga hanggang gabi, makakakuha ng walang patid na news updates at impormasyon sa ABS-CBN News YouTube channel ngayong Agosto.