Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Miscellaneous

A Sweet Way to Relax and Unwind

Ano nga ba ang pinaka-sweet na paraan para makapag-de-stress kundi ang pagkain. May mga tao na kapag nai-stress, ang tendency ay kumain ng kumain. Pwede naman kumain bakit hindi. Ang mga pagkain na ito para sa kanila ay comfort foods na nagbibigay kapanatagan ng kalooban at nakakapagpawala ng kanilang stress. Piliin lamang ang tama at healthy na pagkain o snacks para sa ating katawan.
Foods to Help Fight Stress

Herbal Tea- Kadalasan, ang contents ng pagkain at inumin at hindi ang nutrients ang tumutulong para mabawasan ang stress. Ang pag-inom ng maligamgam na tea ang isa sa nakakatulong upang pakalmahin ang ating katawan. May ilang herbal tea tulad ng lavender at chamomile, ang nagpakita na nagbibigay ng relaxing effect. Ang munting caffeine na taglay nito at ang flavonoids na sumusuporta sa brain health. Isina-suggest ng researchers na imbes na uminom ng kape ay mas mabuting tea ang inumin. 

Dark Chocolate- Ang dark chocolate sa diet ay nagpapa-reduce ng stress sa dalawang paraan. Una, sa pamamagitan ng chemical impact at pangalawa ay sa pamamagitan ng emotional impact. Ang pagkain pa lang ng chocolate ay nagbibigay na ng kakaibang satisfaction na pakiramdam na nagpapabawas ng stress sa katawan habang kumakain nito. Importanteng piliin ang de kalidad na dark chocolate.

Avocados- Ang avocado ay kadalasan na ginagawang guacamole o sliced na inilalagay sa salad at minsan naman ay ginagawang inumin. Ito ay mayaman sa omega-3 fatty acids na nagre-reduce ng stress at anxiety, nagbu-boost din ng concentration at nagpapa-improve ng mood kapag kumain nito. Bukod sa omega-3 fatty acids, nagtataglay din ito ng phytochemicals, fiber, at essential nutrients, ayon sa National Health and Nutrition Examination Survey. Ito ay matatawag na superfood dahil nakakapag-improve ng diet at ang nutrients na taglay nito ay nagpapababa ng risk ng metabolic syndrome, isang grupo ng condition tulad ng high blood pressure at obesity.

Fish – Labanan ang stress at heart disease sa pagkain ng seafood. Ang fatty fish ay heart friendly at ang taglay nitong omega-3 ay nagpapababa ng level ng depression. Ang mga fatty fish tulad ng tuna, halibut, salmon, herring, mackerel, sardines, at lake trout ang mga isdang dapat kainin upang mag-improve ang heart health. Kung hindi ka naman fan ng pagkain ng fish ay may option ka tulad ng pagkonsumo ng seaweed, chia seeds, flax seeds, walnuts, at fortified foods tulad ng itlog, gatas, soy milk, at nut milk. Pwede rin ang supplement na fish oil.

Nuts- Marami kang makikitang nagtatrabaho sa office na may bowl ng nuts sa table nila. Ito ay mainam na snack at nakakatanggal ng stress bukod pa sa healthy fats na taglay nito. Ang almond ang isa sa mainam na nuts na nakakatanggal ng stress. Ang almonds, pistachios, at walnuts ay maaari ring makatulong upang mapababa ang stress levels ng katawan. Tandaan lamang na ilimita ang servings para maiwasan naman ang dagdag calorie na maidudulot nito sa katawan. Ang nuts at seeds ay mataas sa magnesium na makakatulong mapababa ang level ng anxiety.

Narito ang ilang suggested place na pwedeng puntahan upang makapag-unwind at relax:

Cafe Ron Ron


Photo credit from https://www.instagram.com/caferonron/
Photo credit from https://www.instagram.com/caferonron/

Ang “Maison Able Cafe Ron Ron” ay isang “all-you-can-eat” cafe na may rotating sweets na nagbibigay satisfaction at excitement para sa mga kababaihang mahilig sa sweets tulad ng macaroons, cakes, crepes, pancakes, at ice cream. Ang cat inspired motif ng cafe na ito ang isa sa kinagigiliwan ng customers. Bukod sa sweets ay may sandwiches at iba pang pagkain na makikita sa menu.

Location: 6-7-15 Jingumae, Shibuya-ku, Tokyo 150-0001
Business hours: 11:00AM-7:00PM (No regular holiday)
Price: Women (¥2,100), Male (¥2,400 yen), Children (¥1,700), Preschooler (¥500)
Website: https://cafe-ronron.com/

Chano-ma


Photo credit from https://aglolywithatable.net/chanoma/

Photo credit from https://aglolywithatable.net/chanoma/

Ang cafe kung saan mage-enjoy ka kasama ang iyong anak na parang nasa loob ka lamang ng inyong tahanan at ine-enjoy ang ambiance ng lugar.

Location: 1-34-17 Ebisu Nishi, Shibuya-ku, Tokyo Za HOUSE Building
Contact Number: 03-5428-4443

Website: https://aglolywithatable.net/chanoma/daikanyama

Aoyama Flower Market Tea House


Photo credit from http://www.afm-teahouse.com

Photo credit from http://www.afm-teahouse.com

Nagpo-provide ng relaxing ambiance ang lugar na ito na napapaligiran ng greenery at mga bulaklak na base sa kanilang concept na “Living With Flowers Everyday”. Ang kanilang tea house ay nilikha sa image ng kanilang greenhouse kung saan ang mga bulaklak ay nagbo-bloom depende sa season.

Locations:
Minami-Aoyama main store
5-1-2 Minami-Aoyama, Minato-ku, Tokyo
Business hours: (Mon-Sat) 11:00 AM- 8:00 PM

Atre Kichijoji store
Atre Kichijoji B1F, 1-1-24 Kichijoji Minamicho, Musashino-shi, Tokyo
Business hours: 10:00 AM – 9:00PM

Akasaka Biz Tower store
Akasaka Biz Tower 1F, 5-3-1 Akasaka, Minato-ku, Tokyo
Business hours: 11:00 AM – 11:00 PM

Website: http://www.afm-teahouse.com/aoyama

Mahika Mano


Photo credit from http://mahikamano.com/
Photo credit from http://mahikamano.com/

Ang lugar kung saan mae-enjoy ng mga customer ang duyan o hammock na sadyang nakaka-relax at feeling at home na ambiance.

Location: Sun Palace 1F, 2-8-1 Kichijoji Minamicho, Musashino City, Tokyo
Business hours: 11:30AM to 8:00PM
Website: http://mahikamano.com