Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Miscellaneous

A Savory Journey

Umeboshi

Ang umeboshi ay pickled dish na popular sa mga Japanese people at madalas namakikitasa mga lunchbox ng mga students o maging mga empleyado. Kung ang Korea ay may Kimchi, ang Japan naman ay may umeboshi. Sa Japan, ginagamit ito sa Onigiri upang makadagdag sa lasa ng puting kanin. Ang umeboshi ay matamis at maasim, samahan pa ng asin at suka para i-buro ito. Maige sa digestion at kinokonsiderang preventive medicine. Ang paggawa ng umeboshi ayon sa mga ginang ng tahanan ay time-consuming, dahil nagtatagal ito ng 1 taon. Pero sa makabagong panahon, ang mabilis na paraan para makakain ng umeboshi ay pumunta sa mga supermarket at bumili ng pakete ng umeboshi (pickled plums). Makakapili ka mula sa maalat hanggang sa katamtaman ang alat.

Ang tirang juice naman mula sa umeboshi ay ginagamit bilang umeshu na masarap din at katulad ang lasa at amoy ng bunga ng Ume.


Umeshu

Ang Umeshu naman ay popular na Japanese liquor na gawa rin sa bunga ng plum o ume.Ito ay kulay green at hindi pa hinog na inihahalo sa alcohol at asukal. Ang lasa nito ay matamis na maasim. Ang sangkap ng umeshu ay bunga ng ume, asukal at sochu. Karaniwang isinisilbi sa mga Japanese restaurants o Izakaya.

Maraming klase ng paraan upang ma-preserve ang ume. Maraming negosyante ang nakaisip nailagay ito sa mga ice cream bilang flavor, chocolate o snacks. Tulad ng Umeboshi na may health benefits, ang umeshu ay healthy rin sa katawan. Traditionally, ang umeshu ay ine-enjoy dahil sa medicinal contents nito. Ang vitamins at minerals ng bunga ng ume ang nagpapalakas ng katawan ng bawat indibidwal na kumakain nito. Ang umeshu naman ay nagpo-pormote ng good night sleep.


Process of making Umeboshi

Sangkap:

  • 10 pounds/5 kg sour plums (ume)
  • 13 ounces/400 g fine sea salt (8% of the weight of the ume)

Paraan:

1.Ipunin lahat ng sangkap.
2.Ilagay ang ume sa malinis na balde at punuin ng malamig na tubig
3.Ibabad overnight. Ilagay sa malamig na lugar ng bahay, itapon ang tubig kinabukasan at ilipat ang ume sa isang malaking wooden, ceramic o food-grade plastic tub.
4.Sukatin ang asin na ilalagay sa ume. Ihalo ng mabuti gamit ang kamay, siguruhing hindi magagalusan ang ume ng inyong kuko. Mas mabuting magsuot ng gloves.
5.Ilagay ang malinis na muslin (food-grade plastic) sheet at ibalot ito sa lahat ng sides ng tub.
6.Maglagay ng drop lid sa ibabaw ng sheet at lagyan ng mabigat na item na kasing bigat ng ume. Alternatively, pwedeng ilinya ang tub ng makapal na food-grade plastic bag, alisin ang hangin bago ito takpan.
7.Itago ang inasinang ume sa malamig at madilim na lugar pero i-check after 2-3 days para masigurong ang brine ay mag-resurface. Kung hindi, masahihin ang ilalim at itaas ang nasailalim. Ang Ume ay dapat nakalubog sa brine sa loob ng maraming linggo hanggang ang panahon ay maging sunny pero dapat pa ring i-check para siguruhing walang amag na mamumuo (kung makakita man ng amagay alisin ito).
8.Pagkatapos i-brine sa loob ng 3 linngo (2 linggo para sa maliit na bunga ng ume), tuyuin ang ume sa loob ng 3 araw. Ibilad sa araw gamit ang rattan mats. Sa gabi ay ibalik sa pickling pot ang ume.
9.Sa huling araw ng pagpapatuyo ng ume, i-strain ang brine na natitira mula sa ilalim ng salting tub at ilipat sa makinis na jar o bote. Ang tirang juice o brine ang tinatawag na “plum vinegar”(Umesu).
10.I-pack ang dried ume (umeboshi) sa malaking resealable freezer bag. Kalahati lamang ang ilagay at huwag punuin ang plastic bag. May makikitang likido sa ilalim ng bag na magpe-preserve sa umeboshi.
11.Ilagay sa room temperature ang well sealed na resealable bags.

Process of making Umeshu

Sangkap:

  • 1 kg of Green Japanese plums
  • 0.2 to 1 kg of sugar (the amount of sugar depends on how sweet you want your umeshu)
  • 1.8 liter of alcohol (usually white liquor, whiskey, or shochu) with an alcohol content of 20%or higher.
  • Any jar or container will be fine. (Make sure that they are clean and sterilized)

Paraan:

1. Hugasan ng banayad ang plums at tuyin sa malilim na lugar.
2. Ilagay ang plums at asukal sa isang jar. Ang huling layer ay dapat asukal para maiwasan ang plums na lumutang.
3. Ilagay ang alcohol at hayaang nakababad ang plums sa solution. Maghintay ng ilang buwan hanggang isang taon.
4. Pagkatapos ng paghihintay ay ready na itong inumin.