Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Online Libel, ipinaliwanag

Ayon kay Sen. Edgardo Angara, awtor ng kontrobersiyal na Cybercrime Prevention Act of 2012, hindi umano “libelous” ang pag “like” o pag-share sa mga mapanirang komento sa mga social networking sites katulad ng sikat na Facebook.  Masyado lamang diumano in-exaggerate ng ilang malisyoso na maski ang pag-“like” o pagsang-ayon sa isang mapanirang post ay pasok sa online libel na may parusang 12 taong pagkabilanggo.

Ipinaliwanag nito na ang isang taong sumang-ayon sa isang statement sa mga social networking site ay hindi naman ang orihinal na nagsabi o awtor kaya hindi ito maaaring kasuhan ng libel.

Maaari lamang kasuhan ng libel ang isang nag-like o nag-share kung mapapatunayan na mayroong sabwatan para ipakalat ang mapanirang post

Pabor si Angara na ibaba ang parusa sa online libel at ipantay na lamang ito sa libel sa print media o kaya ay tuluyang i-decriminalize ang libel.-(Philstar)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *