Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Abalos, mahahatulan

Matapos bigyan ng piyansa ng Pasay Regional Trial Court si Dating Commission on Elections Chairman Benjamin Abalos, namanata ang prosekyusyon na mahahatulan si Abalos sa kasong electoral sabotage. Kampante si Justice Secretary Leila de Lima na makakahanap sila ng mahahalagang ebidensya at mapapatunayang guilty ito sa kaso nito. Naglabas din ng agam-agam ang kalihim kung bakit hinayaan ni Judge Jesus Mupas na bigyan ito ng piyansa gayong malakas ang ebidensyang hatid ni North Cotabato election supervisor Togie Martirizar. Patuloy pa rin sa pagimbestiga si de Lima upang matuldukan na ang kasong ito. (Philippine Star)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *