Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

2 bagyo pa ang papasok

Dalawa pang bagyo ang inaasahang papasok sa bansa ngayong buwan ng Setyembre. Sa tantiya ni Elvie Enriquez, forecaster ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), na medyo malalakas pa ang mga bagyong parating kaya binabalaan nito ang publiko na maging handa sa anumang kalamidad na maaaring umusbong. Ipinagbigay-alam din ni Enriquez na tuwing Setyembre at Oktubre, dalawa hanggang tatlo ang pumapasok sa bansa samantalang sa Nobyembre naman ay kakaunti lang. (Abante)