Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

STARSCOPE FOR THE MONTH OF APRIL 2017

Aries – (March 21-April 19)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Burgundy Red
LUCKY NOS: 7, 11, 35, 42
Paglaanan mo ng pansin ang mga bagay-bagay na mangyayari sa kapaligiran. Dahil may mapupulot kang magandang ideya na makakadagdag sa iyong kikitain. Pag-iipon ng maraming pera ang susi upang umunlad. Magtabi kada buwan para may madurukot kapag kinakailangan.

Taurus – (April 20-May 20)

LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Lavender
LUCKY NOS: 9, 21, 29, 33
Magkakaroon ng hidwaan sa isa sa mga kasambahay, kaibigan o kasamahan sa trabaho. Magpatuloy sa bagong naiisip na negosyo. Sa pag-ibig, kalimutan ang mga relasyong nagdulot ng pagluha. Limutin ang nakaraan at harapin ang hinaharap para umunlad.

Gemini – (May 21-June 21)

LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Midnight Blue
LUCKY NOS: 3, 14, 28, 31
Marami kang pakikitunguhang mga taga-suporta sa pulitika o sa propesyon. Magkakaroon ka ng panibagong pag-ibig ngunit dapat mag-ingat. Umiwas sa mga taong mainitin ang ulo.

Cancer – (June 22-July 22)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Canary Yellow
LUCKY NOS: 8, 35, 38, 41
Balansehin ang oras sa mga kaibigan at minamahal. Maglaan pa ng dagdag na oras para matapos ang nasimulan. May kakaiba sa iyo sa araw na ito na mapapansin ng mga kasamahan, kasambahay o kaibigan.

Leo – (July 23-August 22)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Sunday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Ruby Red
LUCKY NOS: 10, 18, 30, 37
Mapagkakakitaan ang mga bagay na itinabi mo noon kung ibebenta mo ngayon. Tatamarin kang makipagkita sa isang katagpo.

Virgo – (August 23-September 22)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Emerald Green
LUCKY NOS: 3, 8, 10, 35
Tandaan mong sipag ang susi para umunlad ang iyong buhay. Sa pag-ibig, mahuhulog ang iyong loob sa isang nilalang. Huwag mong sikilin ang iyong nararamdaman, bagkus ay palawigin.

Libra – (September 23-October 23)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Orange
LUCKY NOS: 12, 23, 32, 38
Matatapos na rin ang iyong problema na may kinalaman sa kalusugan. Makakatanggap ka ng dagdag na proposisyon galing sa pinagtatrabahuhan. Sa pag-ibig, ang kaakit-akit na kapaligiran ang lalo pang magpapasigla ng pagmamahalan.

Scorpio – (October 24-November 21)

LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Green
LUCKY NOS: 9, 17, 20, 43
Susuportahan ka ng mga kaibigan sa bagong larangan ng negosyo. Mapapawi na rin ang pag-aalala na matagal mo nang dinadala dahil sa wakas ay matutuloy na rin ang matagal nang plano. Huwag maging bulagsak, matutong magtipid.

Sagittarius – (November 22-December 21)

LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Fuschia Pink
LUCKY NOS: 10, 17, 30, 44
Maiiwasan mo ang isang delikadong libangan na magsasalba sa iyo sa kapahamakan. Mapapasakamay mo na ang matagal nang hinahangad kung dodoblehin ang iyong sipag.

Capricorn – (December 22-January 19)

LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Violet
LUCKY NOS: 4, 10, 21, 33
Masisiguro sa iyo ng isang kasosyo na uubra ang iyong hinihiling. Huwag pag-aksayahan ng panahon ang mga hindi karapat-dapat. Magsimula ka nang magsikap ngayon, wag iasa sa iba ang tagumpay. Sa pag-ibig, wala kang mahihita sa kasuyong tamad.

Aquarius – (January 20-February 18)

LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Pink
LUCKY NOS: 11, 15, 23, 39
Karapatan mong alamin ang hangarin ng iniibig kung bukal sa puso o mapagsasamantalahan ka lang. Matutong magtabi ng pera upang hindi maubusan ang kaban.

Pisces – (February 19-March 20)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Orange
LUCKY NOS: 6, 16, 37, 39
Ilalaan mo ang iyong atensyon sa taong mas nangangailangan kesa sa iyo. Magkakaroon ka ng maraming katanungan tungkol sa problema ng puso, personal man o sa mga kaibigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *