Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Lorenzo’s Time – Zaijan Jaranilla

Carmina Villaroel

Kakaibang ‘love team’ and hatid ng Kapamilya child wonder Zaijan Jaranilla at batikang TV host-actress na si Carmina Villaroel sa pinakabagong premyadong teleserye ng ABS-CBN na “Lorenzo’s Time”.

Zaijan Jaranilla

Iikot ang kuwento sa batang si Lorenzo na may sakit na progeria. Ito ay isang pambihirang genetic condition kung saan nagmumukhang matanda ang isang bata. Upang mapahaba ang kanyang buhay, kinailangang isailalim si Enzo sa proseso ng cryonics hangga’t makahanap ang kanyang mga magulang ng lunas sa kanyang sakit. Paglipas ng 30 taon, muli magigising si Enzo at haharapin ang katotohanang marami nang binago ang panahon kabilang ang kanyang pamilya at ang kaisa-isang babaeng iniibig niya.

Bahagi rin ng bagong teleserye sina Ms. Gina Pareño, Joel Torre, Alfred Vargas, James Blanco, Rommel Padilla, at si Ms. Amy Austria-Ventura. Kasama rin ditto sina Tess Antonio, Kakai Bautista, Gerard Acao, at Vino Martinez. Itinatampok rin sa “Lorenzo’s Time” ang child actress na si Belle Mariano. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Jerome Chavez Pobocan at Tots Mariscal Sanchez.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *