Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Miscellaneous

Six Reasons to Put Down the Toilet Lid

Kapag tayo ay papasok ng banyo at gagamitin ang toilet bowl, mas madalas ay nakakalimutan nating isara ang takip ng toilet bowl. Bakit? Kahit nakikita natin na ito ay may takip, hindi pumapasok sa ating isipan na dapat ay lagi itong itatakip sa inodoro at hindi lamang para gawing backrest o sandalan. Subalit, ganun nga ba ang ginagawa natin? Ginagamit lang ba natin na recliner o sandalan ang takip?
Para saan nga ba talaga ang gamit nito? Maging ano pa man ang dahilan, dapat ay ibalik natin o isara natin ang takip ng toilet bowl at narito ang ilang rason kung bakit;

The six reasons why you should put down the toilet lid:

1. Bacteria-filled mist – Oo, tama na may mikrobyo ang angge o talsik na tubig na galing sa inodoro pagkatapos nating gamitin ito. Kapag ipina-flush ang toilet, mapapansin mong may tumatalsik na tubig at hindi natin alam kung hanggang saan ito tumatalsik sa loob ng banyo. Ito ay puno ng mikrobyo kaya kapag ang talsik na ito ay umabot sa kurtina, tuwalya o sa lababo, siguradong dapat ang mga ito ay linisin. Ugaliing isara ang takip ng inodoro bago i-flush ang toilet.

2 . Child Safety – Totoong may toilet lock upang hindi mabuksan ng mga batang paslit o mapaglaruan ang toilet. Kung inyong nabalitaan na maraming kaso ng mga aksidente na ang mga batang ito ay nalalaglag sa loob ng tiolet bowl. O di kaya naman ay pinagllaruan nila ang tubig sa loob ng bowl. Ang katotohanang maraming bakterya sa paligid ng toilet bowl at isang malaking dahilan upang isara ang ito at maiwasan ang aksidente sa mga bata. Maraming kasong naiulat na may mga batang paslit ang namamatay dahil nalulunod sila sa loob ng toilet bowl (una ang ulo), kaya tama lang na isara ito at magkaroon ng safety lock ang banyo.

3 . Pet Safety – Kung ikaw ay may alagang hayop mas madalas na makikita mo na ang mga ito ay nasa loob ng banyo. Gusto ng mga ito ang malamig na sahig ng banyo lalo na ang malamig na tubig lalo na sa loob ng inodoro. Ang mga alagang aso ay mas gusto nilang uminom ng tubig na galing sa inodoro dahil para sa kanila, ang tubig na galing dito ay presko at maging ang mga pusa ay gustong laruin ang tubig na galing dito. Subalit dapat ninyong isipin na ang mga mikrobyong galing sa inodoro ay nakukuha ng inyong mga alaga. Ang mga beterinaryo ay nagpapaalala sa mga taong may alaga na pagbawalan ang kani-kanilang mga alaga na uminom sa loob ng inodoro o maglaro ng tubig nito dahil hindi maigi sa kanilang kalusugan maging sa inyong kalusugan dahil hinahalikan kayo ng inyong mga alaga.

4. It’s Not a Recliner – Ito ang hindi maintindihan ng mga ibang tao. Nakikita nilang may takip ito, para saan nga ba iyun? Kung ang ibang tao ay sinasandalan ang takip ng inodoro, ito ay hindi healthy. Dapat ninyong malaman na ang takip ay hindi lang pang-dekorasyon. Ito ay may gamit at para ito sa ating kalusugan. Bakit nga ba kapag tayo ay nagbukas ng isang garapon at gamitin ito, pagkatapos ay ibinabalik natin ang takip? Upang hindi masira o mapanis ang nakalagay sa loob. Upang hindi ito pasukin ng mikrobyo.

5 . Feng-shui – Feng-shui (pronounced fung schway) sa literal na pag-translate, ang ibig sabihin ay hangin-tubig. Ito ay tinatawag na geomancy. Ayon kay Lillian Too, ang Reyna ng feng shui, ang toilet ay dapat na nakasara dahil ang tubig ay may kakaibang power o lakas na humihigop. Sinabi niya na kapag laging nakabukas ang toilet ay parang hinihigop nito ang lahat ng enerhiya ng bawat sulok ng kabahayan maging ang tinatawag na yaman ay para ipina-flush sa toilet.

6 . Falling In – Ang pagkahulog sa loob ng toilet ay hindi kagandahan. Upang maiwasan ang makarinig na may sumisigaw sa kalagitnaan ng gabi dahil may nahulog sa loob ng toilet dahil nakalimutan nilang takpan ang inodoro, dapat ay makaugalian ang isipin na may natatakpan ang inodoro o hindi. Ang dahilan ng iba, kapag nagbubukas daw sila ng ilaw sa banyo sa kalagitnaan ng gabi ay nagpapaalis ng kanilang antok at hindi na silang makatulog muli. Kung magkakaganito, bumili kayo ng klase ng ilw na hindi masyadong malakas ang boltahe. Kumuha ng medyo dim ang ilaw para inyong gamitin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *