Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Foto File

Readers’ Corner: Ano ang Tradisyon ng Pamilya niyo Tuwing Pasko?

Christian Natividad

Simula na ng count down! Ilang araw na lang at pasko na muli! Isa sa paboritong araw ng aming pamilya. Nakasanayan na namin magkita-kita at maghintay ng noche buena sa bahay ng aming nanay. Araw na kumpleto kaming pamilya at may masayang salo-salo, kwentuhan at palitan ng regalo. Maligayang pasko sa inyong lahat.

Ville Pongdad

Palapit nang palapit na naman ang pasko kahit na malayo sa pamilya ay damang dama mo na ang lamig. Kasi nakasanayan na natin lahat na basta pag December yung magsimbang gabi at usually sa amin naman pagsapit ng pasko ay overnight na tawanan na naman yan at konting salo-salo kasama ang mga pinsan at kaibgan. May outing at swimming. Nakakamiss kasi iba pa rin talaga ang pasko pag kasama ang pamilya pero higit sa lahat maligayang pasko sa ating lahat.

Marleene Manio

Magkakalayo kaming magpapamilya dahil sa trabaho at negosyo. Pero tuwing holiday season, nabubuo kami. Kahit walang magarbong handa, basta sama sama ay masaya na kami.

Michael Manes

When it’s the 24th of December or as we call it “Noche Buena”. We celebrate it together with my family, waiting for the clock to strike at 12:00 then we exchange gifts and saying “I love you” to each other. Then, by 1:00 AM we are going to my grandma’s house on my father’s side, all of our relatives are in there too. We have tons of party games that will last for 2 hours and the inumans (drink party) until sunrise. On the following day, it’s my mom’s side turn.

Faith Baquiran Guzman

Usually may simpleng salo-salo then bigayan ng mga regalo. Nakaugalian din namin na bawat isa samin may mga message sa isa’t isa after ibigay yung regalo then pagpapasalamat sa Panginoon kaya nagsisimba talaga kami.

Irene Ueda

Christmas is just around the corner. December na naman at masaya na naman kami para gawin na naman muli ang tradisyon namin tuwing Pasko. Ang pagsisimba kasama ang pamilya at paghahanda ng masasarap na pagkain sa Noche Buena at pagexchange gift namin tuwing Christmas Eve. Higit sa lahat ang pagpapasalamat sa Panginoon sa binibigay niyang masaganang buhay at masayang pamilya. Have A Happy Christmas To All!

Charie Marquez

Simbang gabi at noche buena tuwing pasko kasama ang buong pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *