You are here
Home > Showbizz > Most Beautiful Stars ng YES! Magazine – Anne Curtis

Most Beautiful Stars ng YES! Magazine – Anne Curtis

 

Anne Curtis

 

Si Anne Curtis ang tinanghal na cover girl para sa 100 Most Beautiful Stars ng YES! Magazine. Si Anne ay isa sa mga top endorser ng mga produkto at patunay nito ay ang mga billboards na nakikita sa EDSA, mga tv commercials, ang kanyang tv show at ang pelikula na pawang box office hits kaya naman tinanghal siyang Box-Office Queen sa taong 2012.

Sobra-sobra ang blessings ni Anne sa mga nagdaang taon kaya panay ang pasasalamat niya sa Panginoon dahil sa magandang takbo ng kanyang career. “I didn’t expect because I always said na just hope that things will come your way. Then, hope and dream, and have a goal.
Kamakailan lang ay pumunta si Anne sa US para gawin ang isang pelikula. Maganda nga raw ang experience niya nang magsimula silang mag-shoot sa US. Sabi nga ni Anne na ordinaryong tao lang daw siya roon na gumagawa ng pelikula. Sa pagkaka-describe nga ni Anne ay struggling actress siya roon.
Bagama’t low-budget movie or B-movie ang ginawa ni Anne sa US, proud siyang nakasama siya sa cast dahil na-experience niya kung paano magtrabaho ang mga tao roon.
“Kahit na low-budget ang production, disciplined pa rin sila when it comes sa oras or sa pag-asikaso sa mga tao. For them, time is very important. We only work hanggang sa ganitong oras lang.
“I can’t help but compare. Dito kampante ka na sa mga ginagawa mo. Pagdating doon, maiiba kasi you have to adjust and that is a good thing,” pagtatapos pa ni Anne Curtis.

Leave a Reply

Top
%d bloggers like this: