Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Makoto Inoue – Tawag ng Tanghalan Grand Finalist

Makoto Inoue, ang pambato ng Japan sa darating na grand finals ng “Tawag ng Tanghalan Global Editon” na gaganapin sa huling linggo ng Mayo 2018.

Si Makoto Inoue ay 28 taong gulang na ipinanganak noong Septyembre 20, 1989 at isa siyang English Teacher (ALT). Hapon ang kanyang ama at Pinay naman ang kanyang ina. Lumaki sa Japan at lumipat sa Pilipinas pagkatapos niya nang elementarya sa Odawara City. Si Makoto ay taga-Antipolo at nagtututro siya ng Ingles sa isang public school noong 2011. Ngayon, mayroon siyang Filipino Restaurant sa Odawara City at siya rin ang kumakanta at tumutugtog sa kanyang restaurant.

Sabi ni Makato, “Lagi po akong sumasali sa mga singing contest noong sa Pilipinas o Japan man. Maraming beses na rin akong natalo, pero hindi ako tumigil sa pagsali. Finally, nakamit ko ang pagiging champion from Japan Regional finals ng “Tawag ng Tanghalan” at ako ang napili upang magpatuloy ng laban sa Pilipinas.”

Full support ang relatives at family niya pati na rin ang mga naniniwala sa kanya sa Filipino communities sa Japan. Sabi pa niya “Nais ko po magpasalamat sa lahat ng sumusuporta sa akin from the beginning, hindi nila ako pinabayaan.

Patuloy akong lalaban upang maging inspirasyon ng mga kapwa ko OFW. Dahil katulad rin nila, ako ay isang OFW, nagtrabaho sa ibang bansa at iniwan ang mga anak sa kamag-anak. Mabigat sa dibdib ngunit ito lamang ang paraan para maitaguyod ko ang kinabukasan ng aking pamilya.”

Sa tulong ng kompetisyong ito, nakakasama ko ang aking mga anak sa Pinas. Darating rin ang panahon na makakamit ko rin ang pinapangarap kong magkasama-sama rin kaming buong pamilya.

* Suportahan po natin si Makoto Inoue sa pamamagitan ng inyong boto

Gamit ang mobile phone kung nasa Pilipnas

  • Just text “TAWAG (space) MAKOTO” and send to 2366
  • 1 boto kada sim card para sa isang araw na pang text.

Online vote

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *