Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Cover Focus

Liza Soberano: Beautiful Inside and Out

Kamakailan lang ay napasama ang pangalang Liza Soberano sa mga piling kababaihan sa buong mundo na nagtataglay ng magandang mukha at siya ang pang-anim. Nagsimula pa lamang si Liza sa showbiz ay marami na talagang nakakapansin sa kakaiba niyang ganda. Hindi lamang kagandahan ang taglay ng dalaga, kundi may talent pa siya.

Bago pa man siya napasabak sa telebisyon ay nagmo-model na siya sa print at TV ads. Hanggang sa matuklasan siya ng isang talent scout na nagpakilala sa kanya kay Ogie Diaz na magpahanggang ngayon ay manager pa rin niya.

Sa unang kita mo pa lang ay alam mo nang hindi siya purong Pilipino. Siya ay Filipino-American kaya hindi pa siya noon marunong mag-Tagalog kaya inengganyo siya ni Ogie na mag-aral ng Tagalog upang mas madali siyang makakuha ng mga projects sa telebisyon at pelikula. Hindi na inaksaya ni Liza ang panahon, nag-aral siya at unti-unti ay nakikita na siya sa iba’t ibang shows ng ABS-CBN.

Ang kanyang unang acting project ay isang fantasy-drama, comedy anthology na “Wansapanataym.” Pagkatapos ay napasama rin siya sa afternoon TV series na “Kung Ako’y Iiwan Mo.” Napasama siya sa pelikula nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, ang “Must Be… Love.” Nagpatuloy pa ang mga proyektong dumating kay Liza at siya ay nakakuha ng isang magandang role sa pelikula nina Bea Alonzo at Dingdong Dantes na “She’s the One.”

Nang sa tingin nila ay maaari na siyang isabak sa primetime television series ay inilagay siya bilang isa sa love interest ni Daniel Padilla sa book two ng “Got To Believe.” Dito na maraming nag-umpisang magtanong kung sino nga ba si Liza at gusto nila itong makitang muli sa isang teleserye. Hindi na inaksaya ng ABS-CBN ang panahon. At this time ay may naiisip na silang bagay na ka-loveteam niya. Ang kanyang first leading role ay ang romantic comedy television series na “Forevermore” bilang isang strawberry farmer, sa role na Maria Agnes Calay kasama si Enrique Gil, na gumanap bilang Alexander “Xander” Grande III, isang tagapagmana ng hotel company. Pumatok ito dahil marami ang humihiling na i-extend ito kaya naman nagkaroon ng book two.

LIZA

Dito rin nabuo ang loveteam nina Liza at Enrique na kinagiligiliwan hanggang ngayon ng mga tagahanga. Sila ang tinagurian ng Star Cinema na “Breakthrough Love Team of 2015” ng Philippine primetime television dahil na rin sa sobrang sikat ng kanilang tambalan. Pagkatapos ng “Forevermore” ay sinundan agad ng pelikula ng Star Cinema ang dalawa, “Just the Way You Are,” para hindi agad mamatay ang init ng kanilang tambalan. At ang kanilang tambalan sa telebisyon ay dinala sa pelikula na naging hit hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Nagpatuloy ang pa ang success ng tambalang LizQuen at gumawa muli sila ng pelikula, isang romantic drama film kasama si Gerald Anderson, ang “Everyday, I Love You.”

Sa pelikulang ito maraming nakapansin sa performance ni Liza, positibo ang reviews mula sa film critics. Hindi lamang daw isang magandang mukha si Liza kundi may taglay daw itong husay sa pag-arte. Natural at hindi over or under acting ang kanyang ginawa sa pelikula. Natural na natural daw at hindi nakakasawa ang rehistro ng mukha sa screen at hindi rin nakakauyam ang akting.

Dahil na rin sa hiling ng mga tagahanga ay muling ibinalik ng ABS-CBN ang tambalang LizQuen via romantic comedy television series, “Dolce Amore.” Sa pagkakataong ito, siya naman ang mayaman at si Enrique Gil naman ang mahirap.

Si Liza na tinaguriang “The Next Leading Lady to Watch Out For,” ay nakikita ng marami bilang the next big thing sa showbiz.

Ang pagkakaiba niya sa ibang popular na teen celebrities at wala siyang masyadong bashers. Marami ang humahanga sa kanyang pagiging simple at pagiging down to earth. Nakuha ni Liza ang puso ng masa at wala kang halos na mababasang negatibo tungkol sa kanya.

Kung marami nang humanga sa kanya noong panahong ginagawa nila ang “Forevermore” ay mas marami nang humahanga sa kanya ngayon dahil hindi pa rin diumano nagbabago ang attitude ng dalaga at nakatapak pa rin sa lupa kaya naman ang kanyang mga tagahanga ay hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

Lalo pa nang siya ay mahirang bilang ika-anim na may pinakamagandang mukha sa buong mundo ay marami siyang offers na natatanggap upang mag-model.

Ngayon sikat na sila ang tambalan nila ni Enrique ay maraming nagtatanong kung ano ang pakiramdam ng nasa itaas?

“We try not to think about it. Sabi nga namin don’t think about it, just enjoy,” lahad nina Enrique at Liza. Ano nga ba ang sikreto ng kanilang magandang chemistry? Ang sagot nila ay wala dahil ang kanilang rapport sa isa’t isa ay lumalabas ng natural at hindi nila binibigyan ng effort.

Nagpapasalamat si Liza sa mga tagahanga niya at sa ABS-CBN sa pagkakataong ibinigay sa kanya upang marating ang kung nasaan man siya ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *