Linubihang Munggo
Isang lutuin mula sa Central Visayas kung saan ang munggo ay iniluluto kasama ang gata, dahon ng malunggay at dilis.
Sangkap:
- 1 tasang munggo
- 3 tasang tubig
- 3 tasang gata
- 1 tasang coconut cream
- ½ tasang dried anchovies (dilis)
- 1 malaking kamatis, hiwaing maliit
- 6 piraso ng bawang, pitpitin at hiwaing maliliit
- 1 sibuyas, hiwain
- patis
- paminta
Paraan:
- Sa kaserola, igisa ang sibuyas sa loob ng 2 minuto, idagdag ang bawang at kamatis. Igisa hanggang lumambot ang kamatis.
- Idagdag ang munggo, dilis, tubig at gata. Pakuluin at ituloy ang pagpapakulo sa mahinang apoy sa loob ng 45 minuto hanggang 1 oras o hanggang ang munggo ay lumambot. Magdagdag ng tubig kung kinakailangan.
- Ibuhos ang coconut cream at pakuluin sa karagdagang 5 minuto at lasahan ng patis at paminta. Ihain.
Recipe & Photo by Raymund Macaalay (http://www.angsarap.net/)