Home > Gourmet Galore > Kinalas

Kinalas

Ang Kinalas ay isang popular na lutuin sa Kabikulan partikular sa Naga City. Ito ay isang noodle soup na gawa sa pinakuluang buto-buto ng baka o baboy at gravy na gawa sa hibe (dried small shrimp). Para sa mga Bicolano ay mas masarap ito kapag nilalagyan ng siling maanghang na nagbibigay ng karagdagang lasa sa lutuin.

Sangkap:

Noodles

  • 500 g medium thickness fresh yellow noodles (Shanghai Noodles)

Soup

  • 2 kg beef leg bones na may laman
  • 500 g beef tendons
  • 2 tbsp pamintang buo
  • 2 tbsp sea salt
  • 3 pcs sibuyas na puti, hiwaing makaapat
  • tubig

Gravy

  • 3 tasang shrimp stock o maaari rin sabaw na mula tinadtad na ulo ng hipon
  • 2 kutsarang patis
  • ½ tasang corn-starch
  • 2 kutsarang toyo ( soy sauce )
  • 2 kutsarang suka ( vinegar )
  • 1 kutsrang sesame oil
  • 4 kutsarang hibe (dried shrimps) pulbusin gamit ang coffee grinder
  • 4 piraso ng bawang, pitpitin at hiwaing maliliit
  • 1 katamtamang laki ng sibuyas, tadtarin
  • asin
  • mantika

Garnishes

  • spring onions, tadtarin
  • calamansi (optional)
  • sili (birds eye chillies) (optional)
Paraan:

Soup

  1. Sa isang kaserola, pagsamahin ang baka, tamang dami ng tubig para nakalubog ang baka. Pakuluin at hayaang kumulo sa loob ng 5 minuto.
  2. Alisin ang baka at hugasan sa gripo para maalis ang dumi. Itabi ang karne.
  3. Sa kaserola pinagpakuluan ng baka, ibalik ang baka kasama ang lahat ng sangkap ng soup, lagyan ng tamang dami ng tubig na nakalubog ang baka at takpan. Pakuluin at hayaang kumulo sa loob ng 2 oras. Dagdagan ng tubig kung kinakailangan. Huwag hayaang matuyo ang sabaw.
  4. Gamit ang salaan, ihiwalay ang sabaw sa ibang kaserola at itabi ang pata at litid ng baka.
  5. Samantala, himayin ang laman ng baka at itabi.
  6. Ibalik ang hinimay ng buto sa kaserola at ituloy ang pagpapakulo sa karagdagang 1 oras. Lasahan ng asin kung kinakailangan.
  7. Hanguin ang litid at hiwain at isama sa laman ng baka.
  8. Ituloy ang pagpapakulo sa mababang apoy.

Gravy

  1. Sa isang malalim na pan, maglagay ng mantika at igisa ang bawang at sibuyas. Lutuin hanggang ang sibuyas ay lumambot.
  2. Idagdag ang pinulbos na hibe at ituloy ang paggisa sa loob ng 2 minuto.
  3. Sa isang mangkok, pagsamahin ang lahat ng natitirang sangkap ng gravy. Haluin hanggang maalis ang mga buo-buong cornstarch. Ilagay sa pan at pakuluin at hayaang kumulo hanggang ang gravy ay lumapot. Patayin ang apoy at itabi.

Noodles

  1. Lutuin ang noodles na ayon sa instruksyon sa pakete. Pagkaluto at ilagay sa salaan para maalis ang tubig at ilagay sa serving bowl.
  2. Ilagay ang noodles sa mangkok at idagdag ang litid at laman ng baka at ilagay ang mainit na sabaw. Ilagay sa ibabaw ang gravy at spring onion.

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net

Leave a Reply

%d bloggers like this: