Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Juday at Coco, nagbigay-pugay kay FPJ

Matagumpay ang ginanap na red carpet premiere ng digitally restored and remastered movie na “Isusumbong Kita sa Tatay Ko” kamakailan sa SM North EDSA bilang bahagi ng month-long celebration ng CineMo sa kaarawan ng nag-iisang hari ng pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr.

Star-studded ang gabi sa pagdalo ng co-star ng pelikula na si Judy Ann Santos at asawa nitong si Ryan Agoncillo, Primetime King Coco Martin, Yassi Pressman, at pamilya ni FPJ na sina Susan Roces at Sen. Grace Poe.

Talaga namang bongga ang paggunita na ibinibigay ng ABS-CBN kay FPJ dahil hindi lang nila ni-restore sa big screen ang pelikula nito. “Na-touch ako at ang aming pamilya. Nagpapasalamat kami na ginagawa ito para sa mga pelikula ni FPJ nang makita ng mga kabataan ang mga nagawa niya,” ani Susan.

Ibinahagi naman ni Juday ang masayang alaala niya sa pagganap bilang anak ni Da King. “Ito na yata ‘yung isa sa mga pinakamasayang pelikulang ginawa ko kasi napaka-professional ng lahat, napakasaya lang namin sa set,” aniya. “Finally makikita ng mga tao ‘yung works ni FPJ. Kasi talagang legend siya. Isa siyang tao na dapat ma-celebrate ang buhay niya kasi marami siyang nai-inspire talaga,” dagdag pa niya.

Samantala, puno rin ng galak si Sen. Grace dahil may espesyal na puwang din sa kanyang puso ang naturang pelikula.
Malapit sa aking puso ang pelikulang ito. May mga parte ng pelikula na hango nga raw sa aking buhay, kaya nang naisapelikula ito, at kapag napapanood ko hanggang ngayon, syempre parang dedikasyon na rin ng tatay ko sa akin,” sabi niya.

Taong 2011 nang simulan ng ABS-CBN Film Restoration Project ang pagre-restore ng classic films para mapanatiling buhay ang cinematic history ng mga Pilipino. Isa ang “Isusumbong Kita Sa Tatay Ko” sa mahigit 120 titulo na nai-restore ng ABS-CBN na ang ilan ay naipalabas na sa international film fests.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *