Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Jennylyn Mercado, namamayagpag ang career at love life

Nagtapos ang teleserye ni Jennelyn Mercado na “My Love from the Star” na mataas ang ratings at ngayon pa lang ay humihiling na muli ang kanyang mga tagahanga ng kasunod nito. Sa kasalukuyan ay tinatapos ni Jen ang bagong movie niya na pagsasamahan nilang muli ni Derek Ramsay na may tentative title na “Almost Is Not Enough” na isasali sa darating na Metro Manila Film Fest. Matatandaang nagtambal ang dalawa sa “English Only, Please,” isang blockbuster hit na nagbigay ng award kina Jen at Derek bilang best actor at actress sa 2014 Metro Manila Film Fest. Makakasama nila sa cast sina Solenn Heussaff at Kean Cipriano sa direksyon ni Dan Villegas.

Masasabing si Jen ay isa sa mga artista na maswerteng napapagsabay ang successful career at love life. Obvious na ang kanyang relasyon kay Dennis Trillo ay going smooth kaya masayang-masaya si Jen at wala na siyang mairereklamo pa.

It’s really like that when you’re happy,” aniya. “Good vibes lang ang lahat para always positive.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *