Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Gulaman with Pineapples and Raisins

Sangkap:
  • 2 bars pulang gulaman
  • 4 tasa ng tubig
  • 1 malaking gatas na malabnaw ( evaporated milk)
  • 1 malaking lata ng pineapple, hiwaing pa-cube. Itabi ang sabaw nito.
  • ¼ tasang pasas
  • 1½ tasang asukal
  • 1 kutsaritang vanilla extract
Paraan:
  1. Sa isang malaking sauce pan, pira-pirasuhin ang gulaman sa maliliit at lagyan ng tubig, sabaw na galling sa pineapple at asukal. Pakulun at hayaang kumulo hanggang matunaw ang gulaman.
  2. Alisin sa init at ilagay ang gatas at vanilla extract. Ilagay sa isang jelly mold o mangkok at itabi sa loob ng 5 minuto para lumamig. Habang lumalamig ito ay nabubuo na rin ang gulaman.
  3. Unti-unting ilagay ang pineapple at pasas at ilagay sa loob ng ref.
  4. Alisin sa jelly mould o mangkok na pinaglagyan at ihain habang malamig

.