Home > Gourmet Galore > Filipino Style Pot Roast in Creamy Mushroom Gravy

Filipino Style Pot Roast in Creamy Mushroom Gravy

Sangkap: (Pot Roast)
  • 1 pc beef topside (mga 1.5 hanggang 2 kgs)
  • 1/4 tasa flour (harina)
  • 1/4 tasa butter
  • 3 tasa beef stock
  • 6 pirasong garlic, pitpitin at hiwaing maliliit
  • 2 sibuyas, tadtarin
  • 2 kutsara mantika
  • paminta
  • asin
Paraan (Cream Sauce)
  • 3 piraso carrots, hiwain
  • 250 button mushrooms, hiwain
  • 1/2 tasa cream
  • 1/tasa flour (harina)
  • 1/3 tasa butter
  • Ilang pirasong tangkay ng parsley, tadtarin
  • asin
  • paminta
Paraan (Pot Roast)
  1. Hilamusan ng asin at paminta ang kabuuan ng beef. Maglagay ng 1/4 tasang harina sa isang lapat na lalagyan at i-gulong ang beef.
  2. Painitin ang Dutch oven ( mas maigi kung kasing laki at kasya lamang ang beef). Maglagay ng mantika at butter at ilagay ang beef at hayaang magkulay brown ang lahat ng side ng beef. Hanguin at itabi.
  3. Ilagay ang bawang at sibuyas, igisa ito hanggang ang sibuyas ay maging malinaw ang kulay at lumambot.
  4. Ibalik ang beef sa Dutch oven at ilagay ang beef stock o sabaw ng beef. Dagdagan ng tubig hanggang sa matakpan ang kabuuan ng beef.
  5. Ilagay sa init na 180C preheated oven at i-bake sa loob ng 1 at kalahating oras o hanggang ang beef ay lumambot.
  6. Kapag malambot na, hanguin ang beef at hayaang lumamig ng kaunt ( yung kaya nang hawakan at maaari nang i-slice na hindi madudurog). Hiwain ang beef ng 1.5 inches ang kapal.
Paraan (Cream Sauce and Casserole)
  1. Pakuluin ang carrots sa kaserola at itabi.
  2. Salain ang juice na galing sa baked beef at itabi ang 3 tasang juice na mula dito.
  3. Sa isang kawali, maglagay ng butter at tunawin ito sa mababang init. Ilagay ang harina hanggang magsanib ang butter at harina at mag-porma ng roux o mamuo.
  4. Unti-unti, ilagay ang 3 tasang juice na galing sa beef at haluing mabuti.
  5. Idagdag ang cream, itulooy ang paghalo hanggang lumapot at matanggal ang mga buo-buong harina.
  6. Ilagay ang mushrooms at carrots at pakuluin sa mababang init sa loob ng 5 minuto. Lasahan ng asin at paminta.
  7. Maglagay ng kaunti sauce sa ilalim ng baking dish at i-hanay ng maayos ang beef slices at ilagay sa ibabaw ang natitirang sauce sa ibabaw ng beef. Budburan ng parsley sa ibabaw at ilagay sa oven sa loob ng 25 minuto.
  8. Pagkatanggal sa oven ay budburan ulit ng parsley sa ibabaw bilang palamuti sa beef. Ihain.

Raymund Macaalay (recipe & photo) http://www.angsarap.net/

Leave a Reply

%d bloggers like this: