Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Crispy Pork, Mango and Eggplant Binagoongan

Sangkap:

Crispy Pork

  • 1 kg liempo, malaking piraso, huwag hiwain
  • 1 buong bawang, pitpitin
  • 1 kutsarang pamintang buo
  • 4 pirasong dahon ng laurel
  • ¼ tasang toyo
  • 1 latang lemonade soda (7-Up o Sprite)
  • asin
  • tubig
  • mantika, para sa deep fry

Ginisang Bagoong

  • 4 pirasong bawang
  • 1 maliit na sibuyas
  • 1 kutsarang asukal na pula
  • 2 kutsarang cane vinegar
  • 6 kutsarang hilaw na bagoong hipon
  • ¼ kutsaritang cayenne pepper
  • paminta
  • pork lard

Toppings

  • 2 talong, ihawin at hiwaing maliliit
  • 2 manibalang na Philippine mango
  • 2 malaking kamatis, hiwaing maliit na pakwadrado
  • 1 maliit na sibuyas na puti, hiwaing maliit na pakwadrado
  • 2 tangkay ng stalks spring onion, tadtarin

Paraan:

  1. Hilamusan ng asin ang buong liempo at ibalot ng cling wrap at ilagay sa ref sa loob ng isang buong araw.
  2. Hugasan ang liempo sa tubig at siguruhing nahugasang mabuti at naalis ang asin.
  3. Ilagay ang liempo sa pressure cooker kasama ang toyo, bawang paminta, dahon ng laurel at Sprite o 7-UP. Buhusan ng tamang dami ng tubig at siguraduhing nakalubog ang liempo.
  4. Iluto sa pressure cooker sa loob ng 20-30 minuto, depende sa kapal ng liempo, ang timing ay kung kelan mag-uumpisang pumito ang pressure cooker.
  5. Kapag malambot na ang liempo ay hanguin ito mula sa pressure cooker at tuyuin ng paper towel ang sobrang tubig.
  6. Kapag tuyo na ang liempo ay ilagay sa lalagyang may takip at ilagay ulit sa ref sa loob ng 12 oras o hanggang ito ay lumamig.
  7. Ihanda ang kawali at lagyan ng mantika at painitin. Kapag mainit na ay dahan-dahang ilagay ang liempo. Mag-ingat sa talsik ng mantika.
  8. I-deep fry ang liempo hanggang maging golden brown at lumutong. Kapag luto na ay hanguin mula sa mantika at hayaang lumamig.
  9. Kapag malamig na ang liempo ay hiwaing pakwadrado.
  10. Ihanda ang ginisang bagoong, sa kawali, ilagay ang pork lard at igisa ang bawang at sibuyas. Igisa ang bagoong hanggang maging golden brown ito.
  11. Idagdag ang hilaw na bagoong, suka, cayenne at asukal. Haluin sa loob ng 3-5 minuto o hanggang maging dark red ang kulay.
  12. Lasahan ng paminta.
  13. Ilagay ang liempo at haluin hanggang mabalot ng bagoong ang baboy. Ilagay sa serving dish at ilagay ang talong, kamatis, mangga, spring onion at sibuyas.

Thank you: Raymund Macaalay (recipe & photo) http://www.angsarap.net/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *