You are here
Home > Showbizz > Coco Martin sinubok ang mundo ng film directing sa MMFF entry na ‘Ang Panday’

Coco Martin sinubok ang mundo ng film directing sa MMFF entry na ‘Ang Panday’

Muling bubuhayin ni Coco Martin ang kuwento ng isa sa mga tanyag na Pinoy hero sa pelikulang “Ang Panday”, na mapapanood sa labas ng Pilipinas via TFC@theMovies simula December 28

Hindi lamang bibida si Coco Martin sa pinakamalaking action-adventure film na “Ang Panday”, dahil sa unang pagkakataon ay sasabak na rin siya bilang direktor at producer ng pelikula na kabilang sa walong entries sa 43rd Metro Manila Film Festival (MMFF), na mapapanood din sa labas ng bansa via TFC@theMovies simula December 28.

Ang Panday ay hindi lamang isang iconic na karakter sa Pinoy pop culture, isa rin ito sa pinakamamahal na Pinoy comic book heroes of all time na nilikha nina Carlo J. Caparas at Steve Gan, na siya namang pinasikat ng yumaong action king na si Fernando Poe Jr.

Mahirap po pala”, nangingiti-ngiting tugon ni Martin nang tanungin tungkol sa unang karanasan niya sa pagdi-direkct, sa ilalim ng tunay niyang pangalan na Rodel Nacianceno.

Nagsimula ang karera ni Coco bilang isang aktor sa mga indie movies, sa ilalim ng mga pelikula ni Brillante Mendoza. Tumawid siya sa mainstream nang subukn niya ang mundo ng telebisyon, kung saan tuloy-tuloy siyang lumabas bilang bida sa mga top-rating primetime teleseryes ng ABS-CBN at pati na rin sa mga pelikula sa ilalim ng isang higanteng film outfit.

Madaming natutunan si Coco na di matatawarang kaalaman at mga karanasan mula sa mga mundo ng indie at komersyal na kaniyang pinagsama, at siya niyang ginamit sa Ang Panday – na katuparan ng kaniyang pangarap na magdirehe ng isang pelikula.

Aniya, “Pangarap ko po talagang maging direktor. At kapag gusto mo ang ginagawa mo kahit gaano kahirap ine-enjoy mo ‘yong bawat moment nang ginagawa mo”.

Bukod sa pagiging direktor at producer, si Martin din ang bumuo ng konsepto ng pelikula kasama si Joel Mercado, para sa kauna-unahang live-action film adaptation ng “Ang Panday”. Ang aktibong involvement ni Martin bilang creative consultant sa FPJ’s Ang Probinsyano ay siyang ring nagpanday sa kanyang kakayahan bilang isang storyteller.

Para sa pagbabalik ngayong 2017 ng iconic Pinoy hero na ito, gagampanan ni Martin ang papel ni Flavio III – ang apo ng orihinal na Panday. Magbabagong bigla ang kaniyang buhay nang kaniyang madiskubre na ang kaniyang angkan ay ang itinakdang tagapagligtas ng sangkatauhan mula sa kasamaan ng mortal na kalaban ng Panday na si Lizardo (Jake Cuenca). Nagbabalik ito mula sa kadiliman upang muling guluhin at pahirapan ang mundo.

Lingid sa kaalaman ni Flavio III na tanging ang angkan niya lamang ang makakatalo kay Lizardo, kaya kailangan niyang maglakbay sa iba’t-ibang mundo upang makuha ang tiwala ng kapangyarihan ng espada. At gaya ng orihinal at pinakamamahal na bayani ng lahat, madaming makikilala si Flavio III na tutulong sa kaniya bilang tunay na tagapagmana ng tinitingalang pangalan ng Ang Panday.

Nais daw ng Prince of Philippine TV Series na sa pamamagitan ng kaniyang pelikula ay maibahagi sa mga kabataan ngayon ang naging legacy ng yumaong Action King Fernando Poe Jr.

Sobrang iniba ko po siya, kasi gusto ko ma-appreciate siya ang mga kabataan ngayon at siyempre ng henerasyon ng mga tatay”, paliwanag niya. “Kasi ang dami ng versions ng ‘Ang Panday’, so ginawa ko parang karugtong siya ng kuwento. Kaya ‘yong Flavio na ginampanan ni FPJ, ako ‘yong apo niya, ‘yon ang bagong kuwento ng ‘Ang Panday’.

Tunghayan kung paano isasabuhay ni Flavio III ang kaniyang kapalaran mula sa isang simpleng lalake na lumaki sa Tondo, siya ay magiging pinaka-tanyag na bayani ng mga Pilipino, na ililigtas ang kaniyang pamilya at komunidad mula sa mga kampon ng kasamaan.

Tampok din sa “Ang Panday” sina Senator Lito Lapid, Eddie Garcia, Michael de Mesa, Gloria Romero, Jacklyn Jose, Dimples Romana, Jeric Raval, Jaime Fabregas, Julio Diaz, Mariel De Leon, Awra Briguela, Dennis Padilla, Carmi Martin, Albert Martinez, Agot Isidro, Kylie Verzosa, Mccoy De Leon, Elisse Joson, Jhong Hilario, at marami pang iba. Ito rin ang kauna-unahang pelikula na nagsanib-puwersa ang CCM Film Productions, Star Cinema, at Viva Films.

Muli na namang ipaglalaban ni Martin ang kabutihan bilang si Flavio, kung saan ipagtatanggol niya ang mga mahihirap at api sa mundo sa pelikulang “Ang Panday”, na mapapanood sa labas ng bansa via TFC@theMovies sa mga sumusunod na petsa at bansa: Middle East sa December 28; Barcelona, Spain sa January 7 at Madrid, Spain sa January 14; Greece sa January 7; Australia at New Zealand sa January 11; U.S. at Canada sa January 12; United Kingdom sa January 13 at 14; Austria sa January 13 at 14; Italy sa January 14; Hong Kong sa January 21, at soon sa iba pang mga bansa.

Leave a Reply

Top
%d bloggers like this: