Home > Gourmet Galore > Bulalo Pares

Bulalo Pares

Ang Bulalo at Pares ay isa sa popular na street food sa Pilipinas na dinarayo ng mga mahilig kumain kahit sa dis-oras ng gabi.

Sangkap:

  • 1.5 kg beef leg shanks
  • 4 tasang beef stock
  • 2 tasang tubig
  • 1/3 tasang toyo
  • 6 kutsarang asukal na pula
  • 3 pirasong star anise
  • 2 pirasong laurel (bay leaves)
  • 2 kutsarang cornstarch, kanawin sa 4 na kutsarang tubig
  • 1 kutsaritang paminta
  • 1 sibuyas na pula, tadtarin
  • 8 piraso ng bawang, pitpitin at hiwaing maliit
  • patis
  • mantika
  • piniritong bawang, pang-dekorasyon sa ibabaw
  • tinadtad na dahon ng sibuyas, pang-dekorasyon sa ibabaw

Paraan:

  1. Sa kaserola, painitin at ilagay ang mantika. Igisa ang bawang at sibuyas.
  2. Ilagay ang beef leg shanks at haluin hanggang ang lahat ng side ay magkulay brown.
  3. Ilagay ang sabaw ng baka (beef broth), tubig, toyo, asukal na pula (ilagay ayon sa panlasa), star anise, bay leaf, paminta at kinanaw na corn starch. Pakuluin at hayaang kumulo sa loob ng 1/2 oras o hanggang ang piraso ng baka ay lumambot at halos natatanggal na kusa mula sa buto.
  4. Lasahan ng patis ayon sa inyong panlasa.
  5. Budburan ng piniritong bawang sa ibabaw at ipares ang sinangag na kanin at beef broth (sabaw ng baka).

 Recipe & Photo by Raymund Macaalay (http://www.angsarap.net/)

Leave a Reply

%d bloggers like this: