Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Barbie Forteza at Derrick Monasterio, umamin kung bakit hindi naging sila

Umamin ang Kapuso stars na sina Barbie Forteza at Derrick Monasterio kung bakit hindi sila nagkatuluyan. Sa grand presscon ng Almost A Love Story kung saan bida ang dalawa, naikuwento nina Barbie at Derrick kung bakit hindi nauwi sa totohanan ang kanilang love team.

Paliwanag ni Barbie, matagal na kaming close ni Derrick, Tween Hearts pa lang. Tapos, nagkaroon kami ng chance na maging magka-love team. So maraming chances, actually. May times na lumabas kami at nagluto ng lasagna sa bahay niya with my parents.

Na-realize ko na mas tumatagal ang friendship pag ganito na lang kami. Sa dami nang nangyari sa buhay ko, nandiyan pa rin talaga si Derrick. Feeling ko good decision naman na naging almost a love story na lang kami.

Nang tanungin naman si Derrick kung kuntento siya sa pagiging “almost” ng kanilang love story, ang sagot ng aktor, “Hindi po ako kuntento.”

Diretsahan namang tinanong na ni Barbie si Derrick tungkol sa pagiging TOTGA o The One That Got Away nito. Aniya, “So ako ba ‘yung The One That Got Away mo?” Sagot naman ni Derrick, “Isa ka don.” Dalawa diumano ang naging TOTGA ni Derrick, at isa na rito si Barbie.

Kasi si Barbie lang ang babaeng na in love ako ng dalawang beses. Totoo ‘yun. Niligawan ko siya for the first time, binasted niya ako. Pero hindi ako sumuko. Na-in love pa rin ako sa kaniya.”

Aminado rin ang aktor na hanggang ngayon ay may paghanga pa rin siya kay Barbie, ngunit mas priority nilang maging magkaibigan at maging mag-love team. “Actually, hindi naman po ako nawalan ng admiration para kay Barbie. Na-set aside lang kasi working kami.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *