Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Cover Focus

AGA MUHLACH : Showbiz and Politics

ni Mario E. Bautista

 

Aga Muhlach

Tawa ng tawa si Aga Muhlach habang kausap namin sa presscon ng bago niyang movie with Regine Velasquez, “Of All the Things”. Tinutukso kasi siya ng mga dumalong writer na mataba siya. How does he feel about it?
“Aminado naman ako. Sarap kumain, e. At kapag 43 ka na, mas mahirap magpapayat, di gaya nung mas bata pa ko na it’s easier to lose weight through diet and exercise.”
Nagsimula si Aga sa showbiz noong 14 siya in 1984 sa hit youth movie na “Bagets”. Lahat ay humulang magiging big star siya. Nagkasunod-sunod ang kanyang mga pelikula: “Hotshots”, “Campus Beat”, “Miguelito” at “Napakasakit, Kuya Eddie” kungsaan nanalo siya sa Urian ng best supporting actor award.
Naglie low ang career niya nang mabuntis niya si Janice de Belen noong 1987 ngunit bumawi siya sa tulong ni Mother Lily ng Regal na pinag-produce siya ng “Batang Ama” noong 1990. Natengga ng matagal ang pelikula at ng ipalabas as “Joeyboy Munti”, nag-hit ito at muling sumigla ang career niya. Nagtuloy-tuloy na siya as one of the country’s top leading men.
Kung ang foremost rival niya noon na si Richard ay gumaganap na ngayon sa father roles (ama ito ni Coco Martin sa “Walang Hanggan”), si Aga ay gumaganap pa rin in lead roles with younger leading ladies, gaya nina Angelica Panganiban in “A Love Story”, Anne Curtis in “When Love Begins” at Angel Locsin in “In the Name of Love”. Paano niya ipaliliwanag ang longevity ng career niya?
“Di ko rin alam. Sabi nila, baby face raw kasi ako. I just want to thank all the people who continue to watch my movies.”
Matagal siya sa ABS-CBN. 1992 nang gawin niya ang sitcom na “Oki Doki Doc” na tumakbo ng halos sampung taon. Nang matapos iyon, binigyan siya ng ibang shows like “Da Body en Da Guard”, “Da Pilya en Da Pilot”, “OK Fine Whatever” and “Malay Mo Ma-develop”. Pero last year ay ay umalis siya dito at lumipat sa TV5. Bakit?
“It’s a career move. TV5 gave me an offer I couldn’t refuse. Sa ABS, puro sitcoms ang ginagawa ko. TV5 gave me the chance to host an educational show, ‘Pinoy Explorer’, and it also gave me the chance to travel not only around the country but all over the world. How can you resist that?”
Ang bagong movie niyang “Of All the Things” ay inabot ng tatlong taon bago natapos. Sa anong dahilan?
“The truth is nagkaproblema sa schedules naming lahat. Si Direk Joyce Bernal started some soaps. Ako, I did ‘In the Name of Love’ sa Star Cinema. Si Regine also did a new soap then got married and got pregnant. Siguro, it was just not meant to be matapos then. But when we watched the scenes we’ve shot, wow, it’s a great movie, maganda, sayang naman, so we all said ituloy na natin.”

Aga Muhlach

Nang gawin nila ang kanilang past hits ni Regine, “Dahil May Isang Ikaw” and “Pangako, Ikaw Lang”, hindi ba sila nakaramdam ng anumang pagnanasa sa isa’t isa?
“I’ll admit may attraction. But the whole time, galit siya sa’kin kasi late ako parati sa shooting. Para sa’kin, naging on kami, nagkahiwalay, pero hindi niya alam. Sabi niya kasi sa’kin: Hindi mo puedeng daanin sa puro porma lang, kailangan sabihin mo sa’kin ng diretso. E, never kong nasabi sa kanya. Si Ogie (Alcasid) ang nakapagsabi noon, kaya silang ikinasal at never naging kami. Pero maganda ang kombinasyon namin together on screen kaya hits ang movies namin.”
Hindi ba nagseselos ang misis niyang si Charlene Gonzales kapag niroromansa niya ang kanyang younger leading ladies? “Sanay na siya. Alam niyang trabaho lang ito at faithful ako sa kanila ng aming twins. Charlene is one of the best things that happened in my life and I can sincerely say na masaya ang pagsasama namin.”
Siya nga ba ang pumipigil kay Charlene na maging mas aktibo sa showbiz? “No, it’s her decision na mag-lie low after ipanganak ang kambal. Ayaw niya ng acting, like in soaps na magdamagan ang taping dahil it’ll take away much of her time sa mga bata. But okay lang ang hosting, like ‘The Buzz’, kasi every Sunday lang yun.”
Ayaw rin daw nga ba niyang mag-artista ang mga anak niya? “Okay lang pag tapos na sila ng college. Si Atasha tried stage acting in ‘The Sound of Music’ and she liked it, but she knows gusto namin ng mom nilang studies ang priority nila. I’m so glad nga na my eldest son, Luigi (anak niya kay Janice), nakatapos na ng culinary arts, has a good job as a chef, and now kinuha siya ng GMA to host a cooking show with Jolina Magdangal. He’s now very responsible, na dapat lang, kasi dalawa na ang anak niya. Ginawa na akong lolo.”
At ngayon, pumasok na rin siya sa politika at tatakbo bilang kongresista sa 2013 election. Does this mean iiwan na niya ang pag-arte at iuukol na ang buong panahon niya sa politics?
“Hindi naman, puede namang pagsabayin. The best example is Gov. Vilma Santos of Batangas at si Christopher de Leon na board member doon. They are both doing well as public servants pero gumagawa pa rin ng movies or TV shows every now and then. Hindi namin puede iwan yan kasi yan talaga ang hanapbuhay namin.”
Maliit ang tingin ng mga politiko sa mga artistang pumapasok sa showbiz. Anong masasabi niya tungkol dito?

Aga Muhlach

“It’s unfair sabihing artista lang yan, what can he do? Kaming mga artista, naghahanapbuhay kami nang tapat. Walang corruption sa trabaho naming magpasaya ng tao. My friend, Governor Vi, mula sa pagka-mayor hanggang ngayong governor na siya, malinis ang record niya. Yun ang puede kong tularan. Those who belittle us are usually the politicians who get threatened sa pagpasok namin. Lahat tayo, may karapatang maglingkod sa bayan.”
Aga signed up with the Liberal Party. Tatakbo siyang representative ng 4th district of Camarines Sur. Bakit ngayon niya naisipang tumakbo sa halalan?
“I think it`s the right time to be a public servant as I believe in Pres. Pinoy’s fight against corruption. I’m joining politics just to serve, to give back, hindi para gawin itong hanapbuhay. And I’m running in Camsur kasi doon talaga galing ang lola ko, daddy ko. For the past years, lagi akong nandun, dun ako nagdiriwang ng birthday ko. May bahay ako roon and I promise to do my best para makapaglingkod ako sa mga taga-roon ng taos-puso.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *