Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Cover Focus

Daniel Matsunaga: On Love and Career

Si Daniel Kenji Matsunaga o Daniel Matsunaga ay isang Brazilian-Japanese na nagsimula bilang isang print and stage model at football player. Ngayon ay isa na siyang aktor. Una siyang napansin ng mga tagahanga nang siya ay ma-feature sa Cosmopolitan Philippines. Siya ay nadiskubre bilang aktor at nabigyan ng drama projects sa GMA 7. Sumali siya sa reality TV show na “Pinoy Big Brother” ng ABS-CBN kung saan siya ang nanalo bilang “Big Winner.”

Ang pagmomodelo nila ng kanyang kapatid na babae na si Vanessa ang nagbigay-daan upang sila ay mapansin ng Mercator Model and Artist Management.

“I came because I heard that there’s a good market for acting and there are better opportunities for models,” sabi ni Daniel.

“The market is open for commercials and better jobs than some other countries in Asia and Europe,” paglalahad ni Daniel sa kanyang pagbabalik-tanaw. Tinanong siya kung ano ang kanyang unang reaksiyon nang siya ay makarating ng Pilipinas, “It’s a nice place, nice weather. It looks like Brazil sometimes. And the people here are very nice.”

Bago pa tuluyang mamalagi si Daniel sa Pilipinas ay nakarating na siya sa iba’t ibang bansa. “I’ve been to Malaysia, Taiwan, China, Beijing, Shanghai, Guangzhou, Hong Kong, Holland, LA, France, Germany, Italy, Spain, Belgium, Indonesia… everywhere!”

Nagbalik-tanaw din siya nung unang siyang napasama sa isang drama series ng GMA 7, ang “The Last Prince” kasama sina Aljur Abrenica at Kris Bernal. Hindi man nagkaroon ng impact ang kanyang paglabas sa naturang serye ay sinabi ni Daniel na ito ang nagbigay ng karanasan sa kanya sa acting. Pagkatapos ay lumipat siya sa TV5 kung saan ay lumabas siya sa “Game N Go,” “Enchanted” at ang pinag-usapang “Misibis Bay.”

Sa “Misibis Bay” ng TV5 ay unti-unting napansin ang kakisigan ni Daniel. Hindi naglaon ay lumipat si Daniel sa ABS-CBN upang mapasama bilang isa sa celebrity judges sa “It’s Showtime!”

Hindi naglaon ay pumasok siya sa Bahay ni Kuya, “Pinoy Big Brother,” kung saan sa bandang huli ay siya ang idineklarang “Big Winner.” Nagkasunud-sunod ang mga TV guestings ni Daniel at ang kanyang kasalukuyang proyekto ay ang “Be My Lady” kung saan kasama niya ang kanyang real-life girlfriend na si Erich Gonzales.

Daniel Matsunaga

Bukod sa pag-arte ay marami ang hindi nakakaalam na isang professional football player si Daniel. Sa kabila ng kanyang showbiz at modelling careers, nakukuha pa rin ni Daniel na maglaro ng football. Alam ng lahat na ang mga Brazilian ay mahilig sa sport na ito at dito nanggagaling ang mga mahuhusay na professional players.

“I started when I was a kid in Brazil. Football is our passion in Brazil. I have played in Brazil and Hong Kong before. The Philippines is the third place I’ve played in professionally.”

Pero ani Daniel na kahit siya ay naglalaro ng football ay prayoridad pa rin niya ang showbiz. Aniya, popular ang football sa ibang bansa at sa Pilipinas ay nag-uumpisa pa lang kaya naka-focus siya sa showbiz. Pelikula at teleserye raw muna pero nakakasingit din siya ng praktis kasama ang kanyang teammates.

“I love acting but also football. It has always been my dream to be a football player. And this is happening right now and I am happy with that. I am glad to be able to do both,” pagtatapat ni Daniel.

Sa kanyang career, hindi man lead roles ang kanyang nagagampanan ay masaya pa rin si Daniel sa takbo ng kanyang career, mapa-pelikula man o mapa-telebisyon.

Sa kanyang love life, naging bukas na libro ang kanyang buhay pag-ibig. Ang unang celebrity na kanyang minahal ay si Heart Evangelista na ngayo’y maybahay na ni Senator Chiz Escudero. Hindi man ipinahayag sa lahat ang rason ng pagbi-break nila ni Heart ay hindi tumigil ang mundo ni Daniel. Nagpatuloy siya at naging matiyaga sa paghihintay ng tamang pagmamahal. Nag-focus muna siya sa ibang bagay at hindi nagmadali. Ika nga niya, mas masarap ang naghihintay kesa nagmamadali. Pagkatapos ng tatlong taong paghahanap ay nakilala niya si Erich Gonzales. Una silang nagkasama sa “Two Wives” na naging hit sa mga manonood. Kahit natapos na ang naturang teleserye ay hindi tumigil ang panunuyo ng binata kay Erich at hanggang sa aksidenteng naamin ni Daniel, sa game show na “Deal or No Deal kung saan host si Luis Manzano, ang relasyon nila ni Erich. Kahit na marami ang masaya para sa kanilang dalawa ay mayroon pa rin mangilan-ngilan na hindi boto dahil may nag-aakusa kay Erich na nakipag-boyfriend siya kay Daniel habang siya ay may iba pang ka-relasyon na non-showbiz guy na pinabulaanan naman agad ni Daniel. May mga nagsabi pang nagbibigay si Erich ng mamahaling regalo sa pamilya ni Daniel para siya ay tanggapin ng mga ito.

“It’s all fake,” pagtatanggol ni Daniel. “They don’t have any other source to prove something or invent something just to put us down. It’s just a sad thing because I don’t know where that came from, who wrote those things.”

“I think it’s just a waste of time, and make people believe in wrong stuff. So it’s just sad. Not true. We have a very big faith in God and a personal relationship with Him, that’s what matters. In the end we just have to be strong and the two of us against the world,” dagdag pa niya.

“The negative comments don’t affect nor bother us personally. Erich and I are happy and that’s what matters the most,” sabi ni Daniel.

Sa kasalukuyan ay sina Daniel at Erich ang binansagang “Daytime Drama Prince and Princess” dahil sa “Be My Lady” na inaabangan ng mga manonood at dahil na rin sa tagumpay ng kanilang daytime drama series ay binigyan sila ng Regal Films ng isang magandang pelikula na sa kasalukuyan ay may working title na “Unforgettable.” 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *