Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Miscellaneous

Welcome to Relaxing Home Smells and the Use of Essential Oils

What Is It About Home Smells That Say Welcome?

Marami ang nagsasabing ang ating mga mata ang salamin ng ating kalooban. At kapag sinabi iyan, susunod ang ilong na daanan ng ating alaala. Ang ilan sa mga amoy o fragrance na hindi natin malilimutan ay ang amoy ng isang tahanan na kadalasan ay nagbibigay ng pakiramdam na tayo ay “welcome” sa tahanang yaon at nagbibigay ng panatag ng pakiramdam.

Ang ating pang-amoy ang nagbibigay sa atin ng mood at alaala. Ang halimuyak na nagbabalik sa atin sa ating kabataan o maging sa romansa. Ang pagpili ng scent na nagsasabing”welcome” sa ating mga bisita ay ang klase ng amoy na nagbibigay kaligayahan at magandang mood sa sinumang makakaamoy nito.

Ikaw, bilang may-ari ng tahanan, nais mong ang iyong paligid ay maging kaiga-igaya at naga-anyaya sa lahat ng papasok sa iyong bahay. Sa panahon ngayon, maraming klase ng essential oil na babagay sa hinahanap mong amoy na kakaiba at nais mong iparating sa mga bisita na ikaw yun. Na sa pagpasok pa lang ng mga kaibigan o bisita sa iyong tahanan, ay may maamoy silang kakaibang halimuyak at iyun ang tatatak sa isipan nila na ikaw yun.

Sa loob ng maraming taon, ang medicinal at therapeutic properties ( nakakapagpagaling at nakakapagpaginhawa) ng mga essential oils na ito ay hindi pinapansin at bagkus ay ginagamit lamang pampabango.
Sa makabagong panahon, ang mga essential oils na ito ay ginagamit pampaginhawa ng pakiramdam. Ang malakas na koneksiyon ng bango ng essential oil ay nabuhay muli at ito ang ginagamit sa loob ng tahanan.

Essential Oils for the Home

Ang isang tahanang mapang-imbita at kaiga-igaya ay kailangan natin. Alam nating ang isang malinis, mabango at maayos ng tahanan ay magbibigay ng kapanatagan ng loob ng sinumang papasok sa ating tahanan at ang mga essential oil na ito ay may importanteng papel upang mapanatiling mabango ang ating tahanan.

Ang aroma ng bawat essential oil ay nagbibigay ng iba’t-ibang reaksiyon. Ang isa sa nakakaimbitang scent o amoy ay ang vanilla. Ang vanilla ay may matamis at mayamang aroma dahil ito ay ginagamit sa pagluluto lalo na sa paghuhurno(bake) ng halos karamihan ng pagkain. Ang vanilla ay isa ring scent na inihahalo sa ibang scent at kadalasan ay ito ang pinipiling scent ng mga kababaihan dahil sa taglay nitong matamis at simpleng amoy. Ito ay may positibong epekto sa isang tao dahil ang amoy nito ay nagsasabing,”halika, tumigil ng panandalian at mag-relax muna.”

Ang amoy naman ng citrus tulad ng lemon, lemon verbena o grapefruit essential oil ay nagbibigay ng panibagong lakas. Ang citrusy smell ay pang kabataan, malinis na amoy kaya naman ang scent nito ay popular din sa mga produktong panlinis. Kung ikaw ay magkakaroon ng bisita ay ito ang kanilang maaamoy ay siguradong makararamdam sila ng pakiramdam na sila ay welcome sa iyong tahanan. Kung ikaw ay naghahanap ng amoy ng parang sikat ng araw, enerhiya at konsentrasyon, gumamit ng lemon essential oil.

Kung nais mo namang maramdaman ng iyong bisita ang pagpawi ng stress mula sa maghapong trabaho, ang sandalwood essential oil ay magandang gamitin. Ito ay nagbibigay ng eksotikong amoy at magandang gamitin ito kahalo ang rose scent. Ang magkahalong amoy ng sandalwood at rose scent ay nagpapakalma ng pakiramdam. Ang sandalwood ay ginagamit din kapag nagme-meditate dahil ito ay may sangkap na pampawi ng pagod.

Sa usaping aromatherapy at amoy ng tahanan, ang clove ay hindi agad papasok sa inyong isipan. Magkagayunman, ang clove essential oil ay mapag-imbitang spicy scent na may halong amoy ng kakahuyan. Ang malakas na amoy nito ay nagbibigay ng kalmado at ligtas na pakiramdam. Madalas nating nakikitang ginagamit ang cloves sa pomander balls, ang buong clove ay nakikitang nakadikit sa oranges at nakasabit sa ilang istratehikong lugar ng tahanan. Ito ay popular sa panahon ng Kapaskuhan dahil nakakatulong diumano ito upang mapawi ang depresyon at antok.

Synergy

Ang Synergy ay tinutukoy na panghalo. Sa mga essential oil, nakukuha ang synergy sa paghahalo ng dalawang essential oil. Nung panahon ng mga Ancient Egyptians, sila ang maituturing na dalubhasa sa paghahalo ng iba’t -ibang essential oil para gamitin sa bwat kuwarto ng templo. Ang oil o langis ay parte ng kanilang alay sa kanilang panginoon. Ang frankincense, sandalwood, patchouli at iba pa ay nagbibigay ng kahulugan ng paggalang at kalmadong pakiramdam. Ganito rin ang naaamoy sa ilang templo upang makaramdam ng pagiging kalmado at tahimik sa mga sumasamba na siyang naging epekto noon sa mga sumasamba ilang libong taon na ang nakalilipas.

Ang tinatawag na paghahalo ng therapeutic grade ng mga essential oil na ito ay bumubuo ng amoy na bago at kakaiba. Madalas ay nadaragdagan ang epekto ng aromatherapy. Ang gamit ng therapeutic grades ng essential oils ay maaari ring maging mahalaga, nakakapagpagaling, enerhiya at nagpapahusay ng pakiramdam. Halimbawa, paghaluin ang vanilla at rose, ang resulta ay pagpapakalma ng pakiramdam. Ang paghalo naman ng sandalwood, lavender at chamomile essential oil ay nagpapabuti ng inyong reaksiyon sa stress. Ang Bergamot at neroli essential oil naman ay nakakapawi ng kalungkutan. Ang paghalo ng rosemary, sage at thyme essential oils ay nagpapasigla ng pakiramdam. Ang meditation ay mas lalong nagiging mabuti kung ang scent o amoy ng ylang ylang at jasmine essential oil ay kukulob sa kabuuan ng kuwarto. Bukod sa mga nabanggit na kombinasyon ay marami pang ibang essential oil na maaaring pagsamahin at nakakapagbigay ng iba’t ibang epekto sa atin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *